• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla, excited makatrabaho si Vice Ganda sa isang pelikula

Bela Padilla, excited makatrabaho si Vice Ganda sa isang pelikula

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/17/2018 11:16 AM
Bela Padilla, excited makatrabaho si Vice Ganda sa isang pelikula


 

Isa si Bela Padilla sa mga bumubuo sa pelikulang Fantastica, ang Metro Manila Film Festival movie ni Vice Ganda ngayong 2018.

Kuwento ni Bela Looking forward siya ngayon na makatrabaho si Vice sa isang pelikula.

“Ako na-excite ako. Kasi first time ko gagawa ng pure comedy film and every year na ako nanonood ng entries ni Vice so I’m happy,” bungad ni Bela.

Kasama din daw sa paghahanda ni Bela ang martial arts training at pagbabawas nga timbang para sa kanyang special role.

“Alam ko lang kasi parang may mga fight scene fight scene sa dulo, so yun lang kailangan mag prepare lang ako papayat ako konti.”

Looking forward din si Bela sa kanyang mga matututunan kay Vice na kanyang nakasama sa It’s Showtime.

“Kasi lagi ko siya nakakasama sa Showtime. Kuha ko na ang jokes ni Vice, parang kuha ko na ugali niya so I’m excited to see yung work ethic. Siyempre nandito rin sina direk Joyce (Bernal), direk Barry (Gonzalez) so feeling ko masaya lang ito.”