• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez, nagsalita tungkol sa boyfriend na si Mayor Jay Khonghun

Aiko Melendez, nagsalita tungkol sa boyfriend na si Mayor Jay Khonghun

Aiko Melendez: ‘Wala po akong inagaw.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/17/2018 11:01 AM
Aiko Melendez, nagsalita tungkol sa boyfriend na si Mayor Jay Khonghun


Photo credit to the owner (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Aiko Melendez na isa sa mga taong nagpapasaya sa kanya ngayon ay si Subic Mayor Jay Khonghun. Ayon pa kay Aiko, hiling niya na last relationship na niya si Mayor Jay. “We’re going to face everything, the challenges, we’re going to face it together to make this work. I’m praying that he is really my last.”

Inamin niya na nung una ay hindi niya type si Mayor Jay. “He messaged me on IG which is weird.”

Pero kung may isang bagay daw na gusto ni Aiko sa boyfriend niya ay, “He doesn’t just love me, he loves the people around me.” 

Text mate diumano ng anak ni Aiko na si Andrei si Mayor Jay at nagsisimula na ring maging close si Marthena sa mayor.

Nilinaw din ni Aiko na hindi niya inagaw si Mayor Jay. “Wala po akong inagaw.” Nagsalita rin ang host na si Boy Abunda tungkol dito. “Noong pumasok si Aiko sa buhay ni Mayor Jay ay separated na po ang ating iginagalang na Mayor. The Mayor pursued Aiko.”

Pakiusap din ni Aiko sa publiko, “Just be happy for us.”