• Home
  • Fresh Scoops
  • Donnalyn Bartolome at Meg Imperial, sumabak sa matinding mga eksena para sa kanilang bagong pelikula

Donnalyn Bartolome at Meg Imperial, sumabak sa matinding mga eksena para sa kanilang bagong pelikula

Gagampanan ni Meg at Donnalyn ang real life crime story ng Chiong Sisters.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/16/2018 8:13 AM
Donnalyn Bartolome at Meg Imperial, sumabak sa matinding mga eksena para sa kanilang bagong pelikula


 

Isang crime drama movie ang pagbibidahan ng social media sensation na si Donnalyn Bartolome kasama si Meg Imperial sa pelikulang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) under Viva Films.

Ayon kay Donnalyn, na gagampanan ang role ni Marijoy Chiong, thankful siya sa tuloy-tuloy na blessings na kanyang natatanggap ngayon sa kanyang karera bilang aktres.

“Matagal na po itong movie, hindi ko po expected na magkasunod po ang movie ko after ng Cry No Fear kaya nagpapasalamat po ako,”bungad ni Donnalyn. 

Kuwento ni Donnalyn, sumabak sila sa matitinding eksena sa direksyon ni Peach Caparas.

“Si Direk po is asking me kung may limitations daw po ako, pero sabi ko sa kanya I just want na maging maganda yung movie, kasi kung lagi po lilimitahan baka po hindi na magmukhang totoo,” sabi pa ni Donnalyn tungkol sa ilang maselan na eksena sa pelikula.  

Nagkwento din si Meg sa kanyang mga eksena bilang si Jaqueline. 

“Naging maingat naman si direk especially with the rape scene and while doing that, we internalized how painful yung naramdaman ng real characters dito sa story,” sambit ni Meg. 

Dagdag pa nina Meg at Donnalyn masaya silang nagkatrabaho sa pelikula. 

“Nakakatuwa po, kasi pinapanuod ko lang po si Meg noon tapos ito ngayon, ka-work ko na siya. Parang sobrang blessing po sa akin na nakaka-work ko ang mga taong napapanuod ko lang dati,” sabi ni Donnalyn.

“First time namin magkasama, but this one I noticed yung professionalism niya and kapag andon na yung emotional scene sobrang tahimik na talaga niya at pag-iiyak kakapitan ko lang siya may luha na,” pahayag naman ni Meg sa co-star. 

Mapapanuod ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) sa mga sinehan ngayong July 18.