TNT Champ Janine Berdin recording artist na

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/16/2018 7:57 AM
TNT Champ Janine Berdin recording artist na


Photo credit to the owner

 

Bigay todo sa pagpe-perform ng Tawag ng Tanghalan season two champion Janine Berdin sa kanyang first single na “Biyaya” sa ilalim ng TnT Records.

Ito ang bagong recording label sa ilalim ng Star Music na magbibigay ng magagandang break sa singers na produkto ng Tawag ng Tanghalan.

Hanggang ngayon, nasa cloud nine pa rin si Janine dahil sa tagumpay na naabot at mga oportunidad na dumadating sa kanya. 

“Hindi ko na po alam kung ano mararamdaman ko ngayon kasi lahat ng mga pangarap ko, dati kasi pangarap ko lang kumanta sa stage ng walang bayad, kaya di ako makapaniwala ng tawagin ako na TNT champ." kuwento ni Janine.

Aminado din si Janine na fan siya ng season one TNT winners kaya malaking karangalan sa kanya na makatrabaho ang mga ito sa paparating na mga projects para sa kanila. 

“Ngayon nandito na po ako katabi ko na ang mga dati hinahangaan ko po mga season one winners, at nandito na kami isang pamilya na kaya isang malaking thank you po!” sabi pa niya. 

Proud din si Janine dahil ang kanyang cover version ng kanta ng Eraserheads na “With A Smile” sa TnTV channel sa youtube ay mayroon nang 1.4 million views.