• Home
  • Fresh Scoops
  • Netizens nagpasalamat kay Isabelle Daza dahil sa kanyang talk tungkol sa anxiety at depression

Netizens nagpasalamat kay Isabelle Daza dahil sa kanyang talk tungkol sa anxiety at depression

Sinabi ng aktres na nakakaapekto ng malaki ang social media sa mga may anxiety at depression.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/15/2018 8:43 AM
Netizens nagpasalamat kay Isabelle Daza dahil sa kanyang talk tungkol sa anxiety at depression


 

Hindi napigilan ni Isabelle Daza na maging emosyonal nang makatanggap siya ng ilang mensahe mula sa mga netizen na nagpapasalamat at nabigyan sila ng pag-asa nang dahil sa kanyang talk tungkol sa anxiety at depression.

Sa kanyang Instagram account, inupload ni Isabelle ang kanyang speech ukol sa sariling experience at advice para sa mga may pinagdadaanan tulad niya.

"So I’m kinda shy or scared to post this cause I don’t look my best but that’s not the point. I’m sharing this very personal, emotional talk because I want to stand up against the stigma that mental illness is something we should be ashamed about. Also talking about how social media can play a role in developing anxiety and depression," sabi ng aktres sa caption ng kanyang video.

Ipinost din ng first-time mom ang ilang private messages na kanyang natanggap.

"Receiving tons of messages about the video I shared. I feel overwhelmed. I wish I can reply to everyone,” sabi pa nito sa kanyang IG stories.