Jewel Mische, nanganak na

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/15/2018 8:35 AM
Jewel Mische, nanganak na


 

Sa kanyang Instagram account noong Biyernes, July 13, sinabi ng dating aktres na si Jewel Mische na siya ay nanganak na.

Hindi man ipinakita pa ni Jewel ang anak nilang babae ng kanyang mister na si Alex Kurzer, ipinost naman niya ang isang ultrasound photo nito.

" The last 24 hours have been quite an experience.. and #BGK has graced us with her presence this morning... *CAN’T WAIT TO SHARE!* But I hope this view from my womb serves as a sneak peek for the meantime (can you tell how much of a charmer she is already?) We’ve never been so in love.. and just soaking up baby snuggles at the moment [sic]," sabi ni Jewel sa caption ng kanyang IG post.

Ikinasal si Jewel at Alex noong 2015 at nagpasiya si Jewel na iwan muna ang mundo ng showbiz para tumira sa Amerika at mag-focus sa kanyang pamilya.