Piolo Pascual, handa na bang maging ‘Lolo P’?

Hindi daw nakikialam si Piolo Pascual sa love life ng anak na si Inigo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/14/2018 9:29 AM
Piolo Pascual, handa na bang maging ‘Lolo P’?


 

Gusto ni Piolo Pascual na balikan ang recording scene at gumawa ng bagong album pero hindi raw niya ito mabigyan ng oras ngayon dahil sa dami ng trabaho.
 
Si Piolo ang bagong celebrity endorser ng Megapro Plus and Megasound Karaoke and during the launch, inamin ng singer-actor kung anong concept ng album ang binabalak niyang gawin.
 
“Filipino love songs na all originals ang gusto ko sana. Kasi I really want something original, something na talagang magagamit ko, makakanta ko, na I can say my own,” bulalas ng ultimate showbiz heartthrob.
 
“Kasi last three albums ko, Decades 1, 2, 3, parang nakanta ko ng lahat ng covers, eh, from different eras. So I’m really looking for songs na mas up sa edad ko saka sa market. Na puwede nating masabi na hindi lang basta nag-recording ng album but something more significant, mas singable and mas mapapakinggan ng maganda,” dagdag pa niya.
 
Natanong din si Piolo kung balak ba niyang sumabak sa politics in the near future.
 
Aniya, “No. Thank you, I’m busy. Pinagdadasal ko na lang sila. Kaya na nila yan.”
 
Marami raw lumalapit sa kanya ang kumkumbinseng tumakbo pero tinatanggihan niya ang mga ito.
 
“Oo naman. Senador. Mayor. Salamat. Pero okay lang ako. Saka baka mabaril pa ako, mahirap na,” biro pa niyo.
 
“I have a better platform in show business and I’m just going to use that if I ever want to help.”
 
Tungkol naman sa masyadong closeness ng anak niyang si Inigo Pascual at sa rumored girlfriend nitong si Maris Racal, hindi ba siya natatakot na maging lolo kaagad siya?
 
“Sabi ko sa kanya kung gusto niyang mauna, mauna na siya. Hahaha! Bahala siya,” kaswal niyang pahayag.
 
So, okay lang na from Papa P ay maging Lolo P na siya?
 
“Lolo na ako. May apo na ako (sa pamangkin),” tugon niya.
 
Eh, apo kay Inigo?
 
“I don’t mind. Kung kaya niyang panindigan at kaya niyang buhayin, di ba? Ganun lang naman yon,” sagot uli ni Piolo.
 
Pagdating daw kasi sa love life ay hindi niya naman pinakikialaman talaga ang anak.
 
“Sa love life naman niya, sa kanya na yon, eh. I mean, lalaki naman yung tao,” sabi pa niya.
 
Samantala, kasama ni Piolo bilang bagong endorser ng Megapro Plus and Megasound Karaoke ang I Can Do That grand champion na si Wacky Kiray. Silang dalawa ang pumalit kay Liza Soberano na naging endorser ng naturang karaoke brand last year.