• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia at Julia Baretto ikinuwento kung saan napupunta ang kanilang kinikita sa showbiz

Joshua Garcia at Julia Baretto ikinuwento kung saan napupunta ang kanilang kinikita sa showbiz

Aminado ang love team na pinag-iingatan nila ang perang kanilang pinaghihirapan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/14/2018 2:40 PM
Joshua Garcia at Julia Baretto  ikinuwento kung saan napupunta ang kanilang kinikita sa showbiz


 

Nagbigay update si Julia Baretto sa kanyang ipinapagawang bahay, kung saan napupunta ang kanyang mga pinaghigirapan sa pag ta-trabaho bilang artista.

Kuwento ni Julia, proud siya na malapit nang matapos ang kanyang dream house.

Sa October po tapos na ang construction, finishing na lang kami,” sabi ni Julia.

Aniya, hands on din daw siya sa construction ng kanyang dream house.

Oo naman, yun kasi ang magiging bahay ko for as long as I’m single. Minsan pag may gusto akong bilhin like bag, and other stuff, inisiip ko na pwede nang kama yung presyo nito, mga ganun po,” kuwento pa ni Julia

Si Joshua naman, pinagaaralan daw ngayon ang bigyan ng negosyo ang kanyang pamilya.

Sa ngayon nag-iipon pa kami at pinag-aaralan pa namin, di kasi pwede basta-basta isalang sa business kung hindi ko napag-aaralan kung paano yun takbo nito,” sabi naman ni Joshua.

Bukod sa kanilang mga sariling plano sa buhay, excited na din sina Joshua at Julia sa kanilang trip to New York na naipangako sa kanila ni Kris kapalit ng box-office success ng kanilang pelikula na "I Love You Hater."

Kuwento ni Julia, siya ang magsisilbing tour guide kay Joshua na first time makakarating sa New York.

Oo naman! Naka libre kami doon no! (Laughs)," masayang sagot ng dalaga.

Opo alam, na niya kasi ang New York, itu-tour niya ako doon, siya ang tour guide ko,” sabi naman ni Joshua.