Jed Madela, todo suporta sa Philippine team sa WCOPA

Si Jed Madela ay isa sa mga hall of famer ng international competition.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/14/2018 9:54 AM
Jed Madela, todo suporta sa Philippine team sa WCOPA


Photo credits: @jedmadelaofficial IG

 

All out sa support ang singer na si Jed Madela sa Pinoy delegates para sa 2018 Wolrd Championship Of Performing Arts o WCOPA.

Si Jed ay isa sa tumatayong coach at adviser ng Philippine team bilang isa sa mga hall of famer ng annual onternational talent and performing arts competition.

“This is a promise every year, but this year nakaka-pressure kasi for the past years, we are the front runners sa pagpapanalo sa WCOPA, kaya extra effort tayo ngayon dahil talagang madami ang magaling,”

071418-Jed-add-1.png

071418-Jed-add-2.png

 

100 Pinoy delegates ang kasalukuyan nasa Long Beach, California sa America bilang isa sa mga 50 bansa na naglalaban-laban para sa gold medals para sa magagaling na mga mang-aawit, musiko, mananayaw, at model.

Hanga naman si Jed sa isang Manobo delegate na si Datu Agong na kauna-unahang katutubo na sasali sa WCOPA.

"Isang patunay lang talaga na hindi hadlang ang pagiging nakatira ka sa bundok, kung saan, ano propesyon mo. Kung may talento ka, ipakita mo,” sabi pa ni Jed.