• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes and Richard Gutierrez join forces with Vice Ganda in 2018 MMFF entry

Dingdong Dantes and Richard Gutierrez join forces with Vice Ganda in 2018 MMFF entry

Sinugarado ni Vice Ganda na mapupuno ng ngiti at katatawanan ang mga sinehan ngayong darating na Kapaskuhan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/14/2018 8:25 AM
Dingdong Dantes and Richard Gutierrez join forces with Vice Ganda in 2018 MMFF entry


Photo credits: @richardgutz IG (left), @praybeytbenjamin IG (center), @dongdantes IG (right)

 

Present ang buong cast sa naganap na story conference ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na Fanstastica, The Princesses, The Prince and The Perya kanina sa Star Cinema office sa ABS-CBN.  

Kasama ni Vice Ganda sa pagbibigay aliw ngayong Kapaskuhan si Jacklyn Jose, Bela Padilla, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin at Donny Pangilinan. Dagdag katatawanan din ang handog nina Rufa Mae Quinto, Ryan Bang, Chokoleit, MC at Lassy sa movie.

Ang hot leading men naman ng henerasyon ngayon na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ay first time na makakatrabaho ni Vice. 

“Yes, first time magkakasama sa pelikula (Dingdong and Richard) tapos ako yung kasama nila kaya ang exciting,” bungad ni Vice.  

Kuwento ng komedyante, hindi naging mahirap ang pagkumbinsi niya kina Dingdong at Richard na samahan siya sa MMFF entry.

“Game naman sila, kasi sabi nila first time namin na gagawa comedy movie tapos kasama ka namin, sabi nila tulong-tulong tayo.”

All-out support naman din si Vice sa first time director ng kanyang pelikula na si Barry Gonzalez.

“Si Barry, Barry Gonzales nakatrabaho ko na siya kasi assistant director siya ni Direk Wen [Wen Deramas], sa mga pelikula ko kaya magkagamay na magkagamay na kami, kaya nung sinabi na si Barry nga go na agad ako,” sabi pa ni Vice.