Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, papuntang Amsterdam na

Kathryn Bernardo, idinetalye ang mga planong side trip kasama si Daniel Padilla.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/13/2018 8:52 AM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, papuntang Amsterdam na


 

Sa ulat ng TV Patrol, tumulak na papuntang Amsterdam sina Kathryn Bernardo at Daniel Padila para mag-shoot ng mga eksena para sa pelikulang The Hows of Us.

Ani Kathryn, “Nakakatuwa kasi yung mga taong tumulong sa amin sa Barcelona, sila din yung tutulong sa amin ngayon.” 

Hoping din sina Kathryn at DJ na makakapag-side trip pa sila. “Sana maikot namin, saka sana mapakita sa screen ang ganda ng Netherlands.” 

Ani DJ isang linggo lang sila sa Amsterdam. “Mas mabilis lang kasi sa Barcelona, mahigit isang buwan kami dun. Pero dito for a week lang kami nandun.” 

Ayon naman kay Kathryn, “Umaasa kami na kaya mag-Paris sana. Gusto namin mapuntahan yung kay Anne Frank din. Marami daw maganda e, pati yung cheese factory. Napuntahan ko yun before. Gusto kong makita ni DJ yun.”