• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, lubos ang pasasalamat ka PBB Big Boss Direk Lauren

Joshua Garcia, lubos ang pasasalamat ka PBB Big Boss Direk Lauren

Ibinahagi ni Joshua Garcia sa Magandang Buhay, ang pasasalamat niya sa PBB Big Boss na si Direk Lauren Dyogi, bilang unang taong naniwala sa kakayahan niya.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/13/2018 2:30 PM
Joshua Garcia, lubos ang pasasalamat ka PBB Big Boss Direk Lauren


Photo credit: @direklauren (R) on IG

 

Nagsimulang mahalin ng mga fans ang aktor na si Joshua Garcia nang ipinakilala bilang Tatay’s Boy ng Batangas sa reality show na Pinoy Big Brother, taong 2014. Una ring sinabi ni Direk Lauren noon sa isang press conference na isa si Joshua Garcia sa apat na libong nag-audition na nakitaan niya ng potensyal. 

Sa panayam ng mga momshie hosts na sina Karla Estrada at Melai Cantoveros, sinabi ni Joshua, “Personal talaga akong nagpapasalamat kay Direk Lauren kasi kung wala siya sa audition na ‘yun, wala ako ngayon dito. Siya yung nakakita sa akin, siya yung naka-discover sa akin.”

Ikinwento ni Joshua ang pakikipagsapalaran niya sa pag o-audition sa reality show ng ABS-CBN. Ani niya, bumiyahe siya kasama ang ama mula sa Batangas hanggang sa Marikina, at tumuloy sa isang murang hotel. “Naalala ko yung hirap namin ‘nun (audition) kasi ang daming tao nun, mahigit 4,000 yung mga nag audition...Parang nasa pang 1000 ako sa pila,” dagdag ni Joshua. 

Inalala rin ni Joshua kung paano siya napansin ng direktor at nakitaan ng potensyal. Kwento niya, noong pinalabas ang batch niya sa audition tent, tinawag siya ni Direk pinagpatugtog ng dalang gitara. “Hinarang niya ako, sabi niya sa akin ‘sa yo ba yang gitara?’ Tinanong niya sa akin sabi ko, ‘Opo sa akin po ito’... Tumugtog ako, kumanta ako.”

 

Shot by baba. Four•trait

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

 

Matapos ang Pinoy Big Brother, naging sunud-sunod na ang mga proyekto ni Joshua Garcia, tulad ng The Greatest Love, The Good Son, at mga pelikulang Vince Kath and James at Love You to the Stars, kasama ang loveteam at rumored girlfriend na si Julia Barretto. 

Sa kasalukuyan, showing na ang kanyang pinaka bagong pelikula kasama si Julia at si Kris Aquino, ang I Love You Hater mula sa Star Cinema.