Father Jerry Orbos diagnosed with stage 2 lung cancer

Si Fr. Jerry Orbos SVD ay aktibong pari na napapanuod sa ABS-CBN Sunday TV mass.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/13/2018 11:09 AM
Father Jerry Orbos diagnosed with stage 2 lung cancer


Photo credit: Tim Orbos' FB Page

 

Isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager na si Tim Orbos tungkol sa kalagayan ng kanyang kapatid na si Fr. Jerry Orbos SVD.

Sa social media post ng MMDA General Manager, ibinahagi niya ang malungkot na balita na mayroong stage 2 lung cancer ang kanyang kapatid.

Isang malakas na panalangin naman ang hiling ng pamilya ni Tim Orbos para sa agaran na paggaling ng kanyang kapatid.

Si Father Jerry ay aktibong pari na napapanuod noon sa Sunday mass sa ABS-CBN.