• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kiko Estrada, game na game sa butt exposure sa pelikula nila ni Sunshine Cruz

EXCLUSIVE: Kiko Estrada, game na game sa butt exposure sa pelikula nila ni Sunshine Cruz

Posible rin ba ma-in love si Kiko Estrada sa babaeng mas may edad sa kanya?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/13/2018 9:46 AM
EXCLUSIVE: Kiko Estrada, game na game sa butt exposure sa pelikula nila ni Sunshine Cruz


Photo credit: @kikstersofc/ @sunshinecruz718 on IG

 

Ayon Kay Kiko Estrada, ibang aktor ang makikita at mapapanood ng publiko sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Sunshine Cruz mula sa ALV Entertainment.

Titled My Stepmother’s Lover, gagampanan ni Kiko ang role ng isang lalaki na mai-in love sa karakter ni Sunshine na ang edad ay nasa early 40s. Bukod sa kissing scene with Sunshine, may ilang daring scenes din daw siya sa pelikula.

“Meron akong butt exposure sa movie. May pakita ng puwet. Pero hindi naman yon big deal sa akin kasi sabi ko nga dati, I want to do a serious movie now. I want to show I’m a leading man and I want to show na I’m one of the best,” simulang pahayag ni Kiko sa PUSH.

Paano ba niya pinaghandaan ang role bilang lover ng isang cougar?

Aniya, “Physically, siyempre naggi-gym ako. Konting diet din. May flesh na makikita sa akin kaya gusto ko rin naman na maganda yung makita nila. Hahaha!

“Nakunan na yung sexy scenes ko at nung napanood namin, okey naman siya. Hindi naman masagwa o malaswa.”

Kuwento pa ng anak ni Gary Estrada, pumayag siyang gawin ang pelikula dahil maganda naman ang istorya nito.

“Yung sa akin naman kasi… pumayag ako dahil maganda yung istorya, quality yung pelikula. Saka, sino ba ako para tanggihan ko yung magandang iskrip na yon?

“Gusto ko ring maidirek ako ni Direk Adolf (Alix) na isa sa magagaling na director natin. Sabi ko nga, di ba, hindi naman ako celebrity, aktor ako,” giit pa niya.

Sa totoong buhay, posible rin ba siyang ma-in love sa babaeng mas may edad sa kanya?

“Bakit naman hindi?” mabilis niyang sagot.

“I mean, walang edad sa pag-ibig, kung totoong mahal mo, mahal mo. Yon lang yung sa akin. Lalo na kung kasing ganda at kasing sexy ni Ate Sunshine.

“Pero gusto ko lang sabihin na sobrang professional, sobrang bait ni Ate Sunshine. Sobrang gaan niyang katrabaho,” sabi pa ng aktor.

Hindi ba siya nailang sa kissing scene nila ni Sunshine?

“Hindi naman. Si Direk Adolf Alix magaling mag-set ng mood. Kumbaga, hindi niya ipapa-feel sa yo na mao-awkward ka. Ie-explain niya sa ‘yo yung dapat. So, kumbaga, we felt really na art yung ginagawa namin, na seryoso kami,” sagot niya.

After doing the butt exposure in the movie, wala naman daw siyang balak mag-frontal nudity.

“Bibitinin natin ang tao. Alam mo naman mysterious tayo. Kailangan nating bitinin yung mga tao. Pero siyemre, ipapakita kung kailangang ipakita, pero like I said, aktor ako, hindi ako celebrity. I’m just doing my job,” huling pahayag niya sa PUSH.