• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jolo Revilla, confident na di siya tutularan ng anak sa pagiging young father at 16

EXCLUSIVE: Jolo Revilla, confident na di siya tutularan ng anak sa pagiging young father at 16

Inamin ni Jolo Revilla na malaki ang naitulong ni Jodi Sta. Maria sa pagpapalaki ng anak niya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/13/2018 9:50 AM
EXCLUSIVE: Jolo Revilla, confident na di siya tutularan ng anak sa pagiging young father at 16


Photo credit: @jolo_revilla on IG

 

Ibinahagi ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa interbyu ng PUSH kung anong klase siyang ama sa anak na si Gabriel Bautista na 13 years old na ngayon.

“Disciplinarian ako. Super strict ako pero nasa lugar naman,” kuwento ng actor-politician na regular na napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Patuloy niya, “Tinanggalan ko siya ng cellphone. Naka-gadget lang siya ngayon dahil sa school. May iPad sa school, eh, so we need to give them one. Hindi na sila masyadong naglilibro sa school kasi nasa iPad na lang. May e-books na sila ngayon, eh.”

“Siyempre, ayoko rin namang masyadong higpitan yung bata kasi habang mas lalo mong hinihigpitan ang bata mas lalo kang aabusuhin, mas lalong gagawin yung bawal,” biglang bawi ni Jolo.

Kasama rin sa pagdidisiplina niya sa anak ang huwag muna itong payagang pumasok sa showbiz. Kailangan daw ni Gabriell na mag-concentrate muna sa kanyang pag-aaral.

“Kasi ako, aaminin ko, nung nagsimulang kumita ako ng sarili kong pera nawalan ako ng gana sa pag-aaral. Kaya katulad ngayon, ginawa kong magtapos kahit may edad na.

“Mahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao. Kasi hindi porke’t street smart ka, okay na. Kailangan may hawak ka ring diploma,” giit pa ni Vice Gov. Jolo.

Hindi naman natatakot ang aktor na gagayahin ng anak ang ginawa niya when he was only 16 na nakabuntis siya.

“He knows what to do. Nirerespeto ko yung bata at hindi siya isip bata. Yon yung mapagmamalaki ko siguro.

“Dahil sa guidance ng mga nakapaligid sa kanya kaya sobrang mature niyang mag-isip. Iba siyang magsalita kapag nakausap mo siya. Parang matanda,” paniniguro ni Jolo sa PUSH.

Samantala, pinasalamatan naman ni Jolo ang naitulong sa kanya ng girlfriend na si Jodi Sta. Maria sa pagpapalaki kay Gabriel.

“Si Jodi malaki ang naitulong sa akin sa pagpapalaki ng anak. Kumbaga, dapat ganito yan, dapat ganito. Siyempre, ginuide niya ako kung papaano.

“Unang-una, ako bilang ama, yung perspective ko, siyempre kailangan mo rin ng parang nanay, so yon yung binabanggit niya sa akin, yung point of view ng nanay. So, malaking bagay na nandiyan siya,” pahayag niya.

Mapapanood si Jolo sa trilogy movie ng Imus Productions na Tres ang title. Bida siya para sa 72 Hours episode na idinirek ni Dondon Santos.