• Home
  • Fresh Scoops
  • Alma Moreno, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay ng anak na si Mark Anthony Fernandez

Alma Moreno, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay ng anak na si Mark Anthony Fernandez

Alma Moreno, nagkuwento tungkol sa mga anak na sina Mark Anthony Fernandez at Winwyn Marquez.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/13/2018 8:59 AM
Alma Moreno, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay ng anak na si Mark Anthony Fernandez


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento ang beteranang aktres na si Alma Moreno tungkol sa anak nitong si Mark Anthony Fernandez. “Thank you Lord, okay siya. Balik na ang dating Mark sa akin. May condo siya, may hanapbuhay siya... eto na ako ngayon. Kaya ko.”

Bumalik din daw ngayon si Mark sa poder niya. “Pero ngayon sabi niya, ‘Mama, hindi. Sa ’yo na ‘ko ngayon, hindi ako hihiwalay sa ’yo.’ Meron siyang (Ang) Probinsyano. Hanggang paalala lang ako sa kanya, telepono, asan ka na? Binigyan ko ng driver, baby ko.”

Dagdag pa niya tungkol sa anak. “Saka si Mark, Kuya Boy, walang inistorbong tao.” Pinagpapayuhan din daw niya ito na wag sayangin ang mga oportunidad na binigay muli sa kanya ng industriya. “Parati kong sinasabi, Mark pinagbigyan ka. Ito na, bawi.” 

Natanong din si Alma tungkol sa anak na si Winwyn Marquez at ang boyfriend nito na si Mark Herras. Sinabi ni Alma na tsismis lang ang napapabalitang gusto na nilang magpakasal. “Tsismis yun, Kuya Boy, pero si Win pag tinatanong ko wala. Si Mark tinanong ko din, wala silang plano.”

Pinapayuhan din daw niya si Win na wag na muna sana magpapakasal. “Na kay Winwyn naman lahat yun. Pero ako Kuya Boy, taga-paalala lang na ienjoy mona muna yung buhay mo ngayon Win.” 

Nang tanungin si Alma tungkol sa news anchor na si Karen Davila, ang nasabi lang niya ay “God Bless.”