Sue Ramirez, mas happy sa life ng walang social media?
Hair damage ang tunay na dahilan daw ng kanyang Pixie Cut hair do
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

7/12/2018 12:05 PM
Sue Ramirez, mas happy sa life ng walang social media?


Photo credit: @sueannadoodles on IG

 

Isa ang kapamilya star na si Sue Ramirez sa mga mapapanuod sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi na isa sa mga official entry ng ikalawang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Read: Pelikula nina Bela Padilla, Sue Ramirez at Erich Gonzales kasali sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino

Bilang isang dalaga na nabubuhay ngayon sa mundo ng social media, aminado si Sue na mas na-appreciate niya ang set up nang buhay noong hindi pa uso ang social media.

“Sometimes its nice to stay away from social media, to stay away sa online world and go back to the world that we live in talaga. Walang fake news, wala ka mababasa na fake accounts, walang bashers, yung mga tao lang na nagmamahal talaga sa iyo parang ang sarap nya balikan,” bungad ni Sue.

Dahil sa mga naging hugot ni Sue, naging topic muli ang tunay na dahilan ng kanyang pagpapa-pixie cut.

“Ito po yung totoo. Patay na po ang buhok ko sa kaka-plantsa, kaka-kulot hindi na kaya buhayin ng treatment. So kabaong nalang po ang kulang sa kanya, kaya napag desisyunan ko po na matagal ko na gusto magpagupit na magpa pixie cut.”

Paliwanag pa ni Sue, wala itong kinalaman sa mga naglabasan na balita tungkol sa kanyang sexual preference.

“Kapag ang babae nagbago ng itsura may pinagdadaanan—heartbroken, lesbian, ambabaw na po ng basehan natin sa pagkatao ng isang tao. And siguro yun lang ang medyo affected ako na part.” 

Mapapanuod ang Ang Babaeng Allergic sa WiFi mula August 15 to 21 sa mga sinehan. Sa direksyon ni Jun Robles Lana.