• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Daniel Padilla level up sa kanilang upcoming movie?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla level up sa kanilang upcoming movie?

Daniel Padilla, ibinalik din ang dating looks para sa proyekto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/12/2018 11:54 AM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla level up sa kanilang upcoming movie?


 

Biyaheng Amsterdam ang tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa shooting ng kanilang upcoming movie sa Star Cinema na The Hows of Us.

Kuwento ng KathNiel sa pictorial ng kanilang upcoming movie project, aabangan ang kakaibang istorya na kanilang gagampanan bilang si Primo at George na isang couple.

 

“Yung istorya yun ang una, kasi kami nang nabasa namin ang buong script lahat, ang ganda ng concept talaga. And parang confident kami sa materyal na binigay sa amin na ito. Ang challenge lang kung paano namin bibigyan buhay ang mga characters namin dito,” bungad ni Kathryn.

Si Daniel naman todo paghahanda din para sa pelikula na na ibinalik pa ang dating looks para lang sa proyekto.

“For (this) character lang para maiba kasi ang tagal na rin natin ganun ang itsura. At refreshing ang binigay sa amin na materyal, talagang ang sarap niya gawin very real at abot na abot natin lahat,” sabi pa ni DJ.

Gulat factor naman daw pagdating sa kissing scene ni Kath at DJ para sa mga nag-aabang nito.

 

✈️

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

 

“Meron naman na dati, siguro di nila maabangan ang kissing scene dito. ‘Hindi niyo malalaman kung kailan siya dadating’ Gulat factor!” pabirong sabi ni Daniel.

“Oo meron na dati, basta hindi lang kissing scene ang aabangan nila dito,” ani pa ni Kath.

“At di siya ang ‘eto na’ moment na halikan na ganun. Hinding hindi. Talagang totoong totoo, natural ang mga binigay namin,” pahayag pa ni Daniel.

Mapapanunod ang The Hows of Us soon sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.