• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, gusto pakasalan si Julia Barretto ten years from now

Joshua Garcia, gusto pakasalan si Julia Barretto ten years from now

Julia Barretto, ibinahagi kung ano natutunan niya tungkol sa kanyang sarili.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/12/2018 10:58 AM
Joshua Garcia, gusto pakasalan si Julia Barretto ten years from now


 

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi nakatakas si Joshua Garcia sa mahirap na tanong tungkol kay Julia Barretto. “When you’re ready, eight to ten years from now... will you marry Julia?” Agad naman itong sinagot ni Joshua ng, “Yes po.”

Nang tanungin kung kumusta sila ngayon, sinabi ni Joshua na, “Ngayon okay po kami. Masaya kami kasi nalagpasan namin yung trial na dumaan. May natutunan po kasi talaga ako dun sa nangyari yun. Yung pahalagahan kung anong meron ako.” 

Natutunan naman daw ni Julia na malakas siya bilang babae. “Matibay po pala talaga ako. Strong woman pala talaga ako. Hindi pala ako basta-bastang sumusuko sa taong mahal ko.”

Dagdag pa ni Julia, sa huli ang kailangan mo lang pakinggan ay sarili mo. “I have to go through it in front of the world... hearing different opinions, Tito Boy. At the end of the day pala, you need to just listen to yourself. You heart, your mind. Kasi yun pala ang pinakaimportante talaga.”