• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Brandon Vera reveals what was his biggest worry while shooting ‘Buy Bust’

EXCLUSIVE: Brandon Vera reveals what was his biggest worry while shooting ‘Buy Bust’

Wala pa daw balak si Brandon Vera mag-retire mula sa martial arts fighting.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/12/2018 9:39 AM
EXCLUSIVE: Brandon Vera reveals what was his biggest worry while shooting ‘Buy Bust’


 

Desidido ang mixed martial arts champion na si Brandon Vera na seryosohin ang career niya sa pag-arte. First time na mapapanood si Brandon sa pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis mula sa Viva Films at Reality Entertainment under the direction of Erik Matti.

“Nag-enjoy talaga ako sa pag-arte ngayon. At first, hindi ko alam kung magugustuhan ko, kasi iba talaga, di ba, especially being a world champion in martial arts.

“So, at first parang iniisip ko na magugustuhan ko ba ito? Kaya ko ba ito? Ganito ba talaga? From the call time, kasi laging nagbabago yung schedule dahil sa ulan, camera. So, parang mahirap talaga,” pahayag niya sa PUSH.

Pero dahil minahal niya kaagad ang pag-arte madali rin daw siyang naka-adjust agad.

Aniya, “Sa martial arts, ang schedule mo super strict, always on time. First two weeks iniisip ko, ‘Kaya ko ba to… can I?’ And then as the film moved on, I started to fall in love with my character Rico.

“I started hanging up with the guys on set more. I started understanding the process… na ganito talaga. Kasi nanibago ako, it was new but I fell in love with this and this is what I want to do here on, ito nga,” kuwento pa niya.

Sa simula ay nag-alala si Brandon na baka maging cause of delay siya sa shooting ng Buy Bust dahil newbie actor palang siya.

“That was my biggest worry. I don’t want to be the one holding up production, I don’t want to hold up the scene. Ayoko na ako yung maging cause of delay. And I voiced that concern to everybody on set kaya thankful ako sa kanila.

“First day on set, sabi ko sa kanila, ‘Hey guys, pasensiya na, I’m new. If I’m doing something wrong sabihin n’yo na sa akin. Please help.’ Sabi nila, ‘Whatever you need help, we’ll tell you.’ Pag nahihirapan ako tinutulungan nila ako talaga,” nakangiti niyang paliwanag.

May balak na ba siyag mag-retire sa martial arts?

“Tinanong ko yung mga kaibigan ko who has retired from martial arts already. Ang tanong ko sa kanila, ‘Kailan mo malalaman na magre-retire ka na?’ Sabi nila, pagbangon nila, alam na nila, kasi ayaw na nilang mag-practice. Basta malalaman mo daw na agad yon, na ayoko na yung stress na yon.

“Sa akin, wala pa yon, ang layo pa. Hindi ko pa naiisip yon. So, laban, laban, laban, sabay yung pag-arte. Tingnan natin kung kayang sabay.

“I want to do this pag retired na ako for sure from fighting, but hindi pa ako ready to retire,” pagtatapos niya sa exclusive interview ng PUSH.