• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, may gusto patunayan sa pelikulang ‘Buy Bust’

Anne Curtis, may gusto patunayan sa pelikulang ‘Buy Bust’

Ipinaliwanag din ni Anne Curtis kung bakit halos dalawang taon siyang di gumawa ng pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/12/2018 9:43 AM
Anne Curtis, may gusto patunayan sa pelikulang ‘Buy Bust’


 

Ipapalabas na sa August 1 ang pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Brandon Vera under the direction of Erik Matti. Two years in the making ang pelikula na prinodyus ng Viva Films at Reality Entertainment.

Ayon kay Anne who is celebrating her 21st year sa showbiz industry, ang Buy Bust ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya sa buong career niya bilang artista.

“Yes, I will have to say, ito na siguro yung pinakamahirap na nagawa ko sa buong career ko. I’m celebrating my 21 years in the industry, so what better way celebrate it with the film like this, di ba?” kuwento pa niya.

Bakit ba niya tinanggap ang pelikula?

“The moment it was pitched to me over the phone by Direk Erik Matti, the moment na binanggit sa akin ni Boss Vincent (del Rosario) yung concept, I was so inspired. And I always keep on saying this, I was so hungry for the role and a film like this.

“Parang naka-two years yata ako sa Viva na wala akong ginagawang pelikula kasi wala akong nagustuhang script. So, finally this came up and it was a definite yes.

“Sabi ko, kailangang gawin ko itong gawin. Kaya kahit physically, mentally, and emotionally challenging siya, tinanggap ko pa rin and I’m so, so happy with the result,” pagmamalaki pa ng aktres.

Aminado si Anne na talagang buwis-buhay ang mga eksena niya sa pelikula.

Aniya, “Actually, lahat ng eksena ko buwis-buhay siya. Wala po akong double dito. Pero yung pinakamahirap ko was yung isang three-minute scene.

“We did a five-day rehearsal for one scene, it was a three-minute scene na one long shot lang. Ang hirap,” bulalas niya.

Patuloy niyang kuwento, “Yung eksena, aakyat ako ng bubong, bababa, aakyat ulit tapos makikipag-away. Then aakyat ulit ako sa bubong hanggang sa malaglag ako sa bubong.

“And one take yon, so it took us 57 takes to get it right in a span of three days bago namin nakuha yung eksena. You’ll see it in the movie.

“Nung first day naming syinut yon nasuka ako sa hirap. Hindi po biro yon, nasuka talaga ako, that’s how hard it was.”

May gusto ba siyang patunayan kung bakit tinanggap niya at ginawa ang Buy Bust?

“Gusto kong patunayan sa pelikulang ito na kaya ng female lead na gumawa ng action film. Yan ang gusto kong patunayan because all action films, puro mga lalaki ang bida.

“So, gusto kong patunayan dito na kaya din naming mga babae na gumawa ng aksyon na pelikula. So, sana this opens doors for a lot of actresses out there, na alam mo yon…” sambit niya.

Natawa naman at parang nahiya si Anne nang tanungin siya kung ano ang feeling niya sa tag bilang “action queen.”

“Hindi pa naman siguro. Grabe naman yon,” nakangiti niyang reaksyon.