• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, ka-date si Atty. Gideon Pena sa ‘I Love You, Hater’ premiere
Kris Aquino, ka-date si Atty. Gideon Pena sa ‘I Love You, Hater’ premiere
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

7/11/2018 12:05 PM
Kris Aquino, ka-date si Atty. Gideon Pena sa ‘I Love You, Hater’ premiere


 

Hindi si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kasamang dumating ni Kris Aquino sa grand premiere ng pelikulang I Love You, Hater na ginanap sa SM Megamall nung Martes, July 10.

Ang ka-date ni Kris that night at nagsilbing escort niya ang matikas na abogado from Bicol na si Atty. Gideon Pena.

Sa interbyu namin noon kay Herbert, inamin nitong wala siyang natatanggap na imbitasyon mula kay Kris kaya hindi siya pupunta ng premiere night. Pero kung sakali raw iimbitahan, malamang ay manood siya ng pelikula.

First time na nakita ng publiko na magkasama sina Kris at Atty. G at marami ang kinilig sa dalawa. Bagay daw sila maging lovers.

 

 

Kaya lang, consistent si Kris sa pagsasabing friendship lang ang puwede niyang i-offer kay Atty. Go. In fact, nag-post pa siya sa kanyang Instagram account about it.

Showing na ang I Love You, Hater sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, July 11. Bida rin sa pelikula sina Joshua Garcia at Julia Barretto. The film is under the direction of Giselle Andres mula sa Star  Cinema.