• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jerome Ponce on his youngest brother: ‘Siya yung nakakaiwas sa mga bagay na dapat iniiwasan ko’
EXCLUSIVE: Jerome Ponce on his youngest brother: ‘Siya yung nakakaiwas sa mga bagay na dapat iniiwasan ko’
Jerome Ponce talks about his closest family member
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

7/11/2018 8:59 AM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce on his youngest brother: ‘Siya yung nakakaiwas sa mga bagay na dapat iniiwasan ko’


 

Nagkuwento si Kapamilya star Jerome Ponce sa exclusive interview sa PUSH kung sino ang closest family member sa kaniya. “Pinaka-closest ko sa family, my youngest brother. Siya kasi ang nakikita kong better version of me as early as now, kasi I mean I’m not his dad pero naglu-look forward siya sa lahat ng ginagawa ko. Lahat ng ginagawa ko, gusto niyang gawin.”

Idolo daw siya ng kanyang kapatid at gusto nitong maging better version ni Jerome. “And sobrang wala nang sasarap sa isang taong gustong umidulo sa ’yo, hindi lang umidulo kundi to be a better version of you. Pero hindi lang para higitan ka, but you know kung ano man yung kulang siya yung gagawa.” 

Dagdag pa ng proud kuya, “So nakikita ko yun like siya yung nakakaiwas sa mga bagay na dapat iniiwasan ko.”

Bukod sa idolo siya ng youngest brother ay hinihingan din siya nito ng advice. “So talagang may mga times na tinatanong niya kung ‘anong dapat kong gawin dito’, humihingi siya ng advice. Lahat ng laro na gusto, as simple as laro, sports, gino-go niya nagtatanong siya, ‘Kuya sama ako’, tapos biglang naririnig ko, ‘Kuya ang saya pala maglaro nito.’”