Ato Arman, isang malambing at matapang na ama
Ato Arman, sinabi kung paano siya bilang ama kay Kate.
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

7/11/2018 8:50 AM
Ato Arman, isang malambing at matapang na ama


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inilarawan ni Tawag ng Tanghalan finalist Ato Arman kung paano siya bilang ama sa anak na si Kate na ngayon ay nine years old na. “Malambing ako sa kanya, gusto ko lagi sana kami magkasama. Pag wala ako sa bahay, tumatawag ako kinukumusta ko siya.”

Sa kabilang banda, matapang din daw siya paminsan kay Kate. “Pero pag nagkamali siya, matapang ako.” Hindi naman daw sinasaktan ni Ato si Kate, pero tinatakot niya ito. “Hindi naman po. (Pero) nananakot ako, ‘Ano mag-aral ka o hindi?’”

Pag may nagagawa naman daw na maganda si Kate ay may regalo siya dito.

Matatandaan na si Ato ang naging first runner up sa katatapos lang na edisyon ng Tawag ng Tanghalan.