• Home
  • Fresh Scoops
  • After ‘I Love You Hater’, Joshua Garcia and Julia Barretto sasabak na sa teleserye
After ‘I Love You Hater’, Joshua Garcia and Julia Barretto sasabak na sa teleserye
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

7/11/2018 8:46 AM
After ‘I Love You Hater’, Joshua Garcia and Julia Barretto sasabak na sa teleserye

 

All smiles ang JoshLia tandem na sina Joshua Garcia at Julia Barretto nang nakapanayam sila ng PUSH at ABS-CBN News para i-promote ang kanilang upcoming movie na I Love You Hater.

Kuwento ni Joshua at Julia, ibang experience para sa kagaya nilang mga bagong henerasyon ng showbiz personality ang makasama sa proyekto ang gaya ni Kris Aquino.

“Blessed po siyempre kasi ano na yun mga stars na yan dati, mga veterans na yan. Bihira na sila gumawa ng pelikula kapag napapasabak kami sa ganyan—Kris Aquino ba naman—sobrang blessed kami,” bungad ni Joshua.

Bago pa man ang I Love You Hater, nakasama na din ng JoshLia sa Unexpectedly Yours sina Sharon Cuneta at Robin Padilla na pinuri ang kanilang loveteam.

“It’s so surreal working with all of them. Marami kaming natututunan. Nakaka-inspire. Napaka-humble nila at napakasipag magtrabaho,” sabi naman ni Julia.

Bilang mga mas baguhan sa industriya, kuwento ni Joshua at Julia na marami silang natutunan sa Queen of All Media na hindi nila makakalimutan.

“Palagi siya nag-aadvise sa interviews ko. Ang sabi niya less talk less mistake sabi niya,” sabi ni Joshua.

Ang alagaan naman ang sarili ang natutunan ni Julia kay Kris.

“Favorite ko is yung don’t forget about your health lalo na ako workaholic ako. Yung after mapuyat at lahat lahat. Kapag nakakumpleto ng eight hours [ng tulog] gusto ko trabaho na agad,” jkuwento ni Julia.

Pagkatapos ng I Love You Hater, sasabak na sila sa kanilang first lead teleserye together na may working title na Ngayon at Kailanman.

“Yung gagawin po namin is a classic love story. Langit lupa, forbidden love, parang Romeo-Juliet type. Very challenging yung role, talagang iba,” sambit pa ni Julia.

Gaya ni Julia, mahahamon din daw ang acting skills ni Joshua na gagampanan naman ang kakaibang role.

“Siya mahirap siya, ako mayaman parang nagkapalit talaga kami ng mundo sa set namin. Hirap na hirap talaga kami. Ako nararamdaman ko sa soap namin kinakabahan ako kasi di pa alam magiging reaction ng mga tao sa bago naming characters,” pahayag pa ng Joshlia.

Palabas na ang I Love You Hater ng Star Cinema sa cinemas nationwide.