Zeus Collins, inalok mag-macho dancer sa gay bar

Ang pagiging close ni Zeus Collins kay Vice Ganda, binibigyan ng malisya

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/10/2018 9:26 AM
Zeus Collins, inalok mag-macho dancer sa gay bar


Photo credit: @hashtag_zeuscollins on IG

 

Aminado si Zeus Collins na madalas na nami-misinterpet ng tao ang closeness nila ng It’s Showtime host na si Vice Ganda lalo na kapag nagpapakita ito ng sweetness sa kanya sa noontime show.

“Siguro dahil gay siya kaya ganun. Lalo na pag nagsasalita siya sa It’s Showtime kaya parang yung tao naniniwala.

“Kasi iba yung Vice, na pag may sinabi talagang malaki yung impact. Akala nila totoo. May mga nagtu-tweet pa nga sa akin kapag nagbibiro siya sa Showtime na siniseryoso. ‘Uy, totoo ba yon?’ Pero hindi ganun si Vice, eh,” pagdedepensa ni Zeus sa kaibigan.

Eh, what if magparamdam sa kanya si Vice at magpahayag ng sexual urge? Paano niya ito iha-handle?

“Siguro, sasabihin ko sa kanya na hindi, kasi kaibigan, eh. Iba yung pagtingin ko sa kanya. Puwede ko naman siyang pagbigyan sa ibang bagay pero hindi naman siguro sa ganun.

“Pero kung nagpaparamdam lang ng love, okey lang yon. Irerespeto ko siya, kasi siyempre, tao lang siya na nagmamahal din talaga,” reaksyon ng binata.

Patuloy niyang pagtatanggol kay Vice, “Basta kasi hindi siya ganun pag magkakasama kami. Kahit ako ipinagmamalaki ko yon. Na iba yung pagkakaibigan namin, lahat kami (ng Hashtags), hindi lang ako.”

Aminado naman si Zeus na marami rin siyang natatanggap na indecent proposals noong struggling dancer pa lang siya mula sa mga bading at matron.

Kuwento niya, “Oo. Noon madami talaga. Kahit naman ngayon, meron pa rin. Pero hindi, eh. May kotse, P20K, 10K, yung mga ganun.

“Kung iisipin mo, wala akong pera tapos kikitain ko sa isang araw yung ganun, maiisip mo rin yon, di ba, sayang. Pero hindi talaga, eh.

“Ang iniisip ko kasi kaya ko pa. Kumbaga, may talent naman ako. Marunong akong sumayaw, tapos nung mga panahong yon marami rin akong grupong napasukan. Sila mismo ang kumukuha sa akin na rumaket ako sa kanila.”

Natatawa ring binanggit ni Zeus na marami ring alok sa kanya noon na mag-macho dancer sa gay bar.

“Ang dami ngang nag-offer sa akin noon na mag-macho dancer kasi di ba dancer nga ako. Hindi ko sinubukan, kasi alam ko pa sa sarili ko na iba talaga yung passion ko sa pagsasayaw, so ba’t ako magma-macho dancer?

“Hindi talaga sumagi sa isip ko yon kahit walang-wala na ako. Hangga’t kaya ko puwede akong mangutang, babayaran ko na lang, ganun na lang,” pagre-recall pa ni Zeus.

Pagdating naman sa mga sex video scandal, ipinagmalaki ni Zeus na wala siyang lalabas na kahit anong eskandalo.

“Wala. Wala ako niyan,” very confident niyang pahayag.

Patuloy niya, “Kahit kunwari may girlfriend ako, yung magbi-video kaming dalawa o magpapasahan kami… hindi ako mahilig talaga, eh.

“Yung mga selfie-selfie lang, okey yon, pero hindi labas yung ano. Saka hindi ako pumapayag, or siya, puwedeng siya lang, ako hindi. Kaya ako, komportable ako na walang lalabas na eskandalo sa akin,” pagmamalaki pa niya.

Catch Zeus in the movie Wander Bra na pinagbibidahan nina Cacai Bautista at Myrtle Sarrosa mula sa direksyon ni Joven Tan.

The film is produced by Blue Rock Entertainment and Zeus is playing the leading man of Cacai in the movie.