• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys ibinahagi ang kanilang paboritong performance sa YFSF Kids

TNT Boys ibinahagi ang kanilang paboritong performance sa YFSF Kids

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/10/2018 10:06 AM
TNT Boys ibinahagi ang kanilang paboritong performance sa YFSF Kids


Photo credit to the owner

 

Effortless sa pagbirit sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez na mas kilala bilang TNT Boys.

Kuwento nila, dream come true para sa kanilang tatlo na makasama ang bandang Aegis sa isang performance para sa double dekada anniversary concert ng Aegis.

“Super saya po! Kasi po first time po namin ang Aegis na makasama at wish po namin na makasama sila lalo na po sa concert po nila.”

Dahil sa kanilang mahusay na performance sa Tawag ng Tanghalan, isa din top favorite ng audience ang TNT Boys tuwing weekend sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Kaya naman hiling nga tatlo ang patuloy na suporta ng fans sa kanilang mga gagawin.

“Maraming salamat po kasi po isa kami sa mga favorite niyo po and sana ‘wag kayo magsawa sumuporta sa amin,” sabi pa nila.

Ibinahagi din nila kung ano ang favorite performance nila.

“Destiny’s Child po! Maganda po yung kanta yung ‘Survivor’ at sumasayaw po kami na kumakanta, mahirap po yun eh!” pahayag pa nila.