• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayor Herbert Bautista aminado sa pagiging 'absentee father' sa mga anak

Mayor Herbert Bautista aminado sa pagiging 'absentee father' sa mga anak

Malaki naman ang pasasalamat ni Herbert Bautista sa mga ina ng kanyang mga anak dahil sa magandang pagpapalaki sa kanila.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/10/2018 9:29 AM
Mayor Herbert Bautista aminado sa pagiging 'absentee father' sa mga anak


Photo credit: Herbert Bautista's FB Page

 

Sa apat na anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ay ang bunsong anak na lang na si Harvey Bautista, dating nasa cast ng Goin’ Buliilt, ang hindi pa nakaka-graduate ng college.

Dalawa ang anak ni Bistek sa partner na si Eloisa Matias—sina Gray at Athena.

Dalawa rin ang anak niya kay Tates Gana—sina Race at Harvey naman.

Kuwento ni Mayor HB, “Si Athena ko graduate na ng Political Science and gusto niyang mag-Law, pero sabi ko huwag kasi mababaliw siya don. Sabi ko, ‘Give yourself time, mag-isip ka ng one year, pahinga ka muna. If you really want to pursue Law then I will support you.

“Sa September naman, yung isang anak ko, si Race, ga-graduate naman sa New York Film Academy. Tapos na siya sa scriptwriting, acting, directing. Gusto niyang umuwi ng Pilipinas para mag-apprentice sa mga magagaling na DOP at mga director dito kasi gusto rin niya talagang magdirek.”

Nanghihinayang lang ang alkalde na hindi niya masyadong nakakasama at natutukan ang paglaki ng kanyang mga anak.

“In the formative years of my children, I was absent, eh. So, tingin ko itong pagkatapos ng term ko as mayor of Quezon City, kailangan kong bumawi sa kanila.

“Because these are the years or formative years na parang I’ve been an ‘absentee father’, so hindi ko sila… Nakikita ko silang lumalaki once in awhile, pero hindi kami nagkakausap nang mabuti.

“On the other hand, now that they are adults, I think it will be easier for us to communicate to each other dahil mas naiintindihan nila,” pahayag niya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Bistek sa mga ina ng kanyang apat na anak dahil sa magandang pagpapalaki sa kanila.

“Pasalamat ako sa mga nanay nila na maganda ang pagpapalaki sa kanila. May takot sa panginoong Diyos, may respeto sa nakakatanda at sa authority.

“At hindi sila abuso sa mga sarili dahil yung ibang mga anak diyan, ‘Anak ako ng mayor.’ So eto hindi, and I’m very thankful sa mga nanay nila.

“So, now that they’re adults mas magkakaintindihan kami. That’s why I also want to devote more time with them,” sabi pa ng butihing alkalde.

Ayon pa kay Mayor Bistek, medyo late na rin daw para i-guide pa niya ang mga anak.

“Late na ako, eh, pero ganun talaga, eh. Kung pinasok ko sa pag-aartista yung mga anak ko baka hindi sila nakatapos ng pag-aaral. May mga sacrifices and I don’t want that to happen to them,” sabi ulit niya.

Thirty-three years na nagsilbi bilang mayor ng Quezon City si Herbert at sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2019 ay hindi pa niya alam kung tatakbo siyang muli para naman sa ibang posisyon sa gobyerno.

“Having served the people of Quezon City for 33 years, and that ends my career as a local government official, so therefore, puwede akong maging national officer, puwede akong kumandidato sa national office. Pero wala pa, wala pa sa isip ko yon,” pabitin niyang pahayag.