• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Anton Antenorcruz, binabalak na ring pasukin ang pag-arte

EXCLUSIVE: Anton Antenorcruz, binabalak na ring pasukin ang pag-arte

Gusto din subukan ni Anton Antenorcruz na umarte sa isang stage play.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/1/2018 12:58 PM
EXCLUSIVE: Anton Antenorcruz, binabalak na ring pasukin ang pag-arte


Photo credit to: @antonantenorcruz IG

 

Bibigyan muna ng panahon ni Anton Antenorcruz ang showbiz ngayong tapos na ang Tawag Ng Tanghalan grand finals. Nag-leave siya ng isang taon sa PAL bilang flight attendant na ang effectivity ay ngayong July hanggang next year of July 2019.

Hanggang singer lang ba ang gusto niyang pasukin sa showbiz?
 
Actually, may mga nagtatanong na po sa akin niyan. Dati po talaga sarado yung utak ko na… singing lang talaga. Pero sa sobrang daming nagtatanong, naisip ko baka may nakikita silang someting sa akin na makakaya ko rin siguro.

So, parang ngayon, okay lang, puwedeng ma-consider ang iba like yung acting. Puwede naman akong mag-workshop. Marami naman tayong mga avenues para matuto,” sagot sa amin ni Anton.

Sino bang iniidolo niyang aktor?
 
Aniya, “Ang napapanood ko lang po si Coco Martin, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, John Lloyd [Cruz], sila po yung napapanood ko sa movies.

Anong klaseng role naman ang gusto niyang gampanan?

Sa tingin ko kaya ko naman pong mag-drama. Hindi ko kayang mag-comedy. Feeling ko masyado akong awkward sa tao. Feeling ko kaya ko ring magkontrabida,” he said.

Maging ang pag-arte sa theater o entablado ay gusto na rin daw niyang subukan.

Gusto ko po yon. Parang two months ago, nag-isip kami ng mga puwede kong pasukin, eh, mahilig din ako sa mga play kasi pag may flight po ako sa London, nanonood ako parati ng mga play sa London. Si Rachelle Ann Go po napanood ko na sa Miss Saigon sa London.

So, dati hindi ko naisip yung sarili ko don, pero ngayon na sobrang tumaas yung confidence level ko… sa theater kasi dapat confident ka talaga.

Parang feeling ko masarap mag-stage play. Masarap umarte tapos kumakanta, mga musical play. Tingin ko po yon muna bago umarte sa TV o movie,” sambit niya.

Samantala, kasama si Anton sa TNT All-Stars Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum on July 28.