• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Berdin on KZ Tandingan: ‘Ginagaya ko po yung drive niya, yung passion niya po na hindi po susuko’

Janine Berdin on KZ Tandingan: ‘Ginagaya ko po yung drive niya, yung passion niya po na hindi po susuko’

Janine Berdin dreams of doing a duet with KZ Tandingan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/9/2018 10:06 AM
Janine Berdin on KZ Tandingan: ‘Ginagaya ko po yung drive niya, yung passion niya po na hindi po susuko’


Photo credit to @janineberdin IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Tawag ng Tanghalan Grand Champion Janine Berdin ang mga sabi-sabi na ginagaya niya ang style ni KZ Tandingan. “Marami pong things na ginagaya ko kay Ate KZ kasi idol ko po siya, pero not in the way na ginagaya ko po ang style niya. Pero ginagaya ko po yung drive niya, yung passion niya po na hindi po susuko. At yung atake niya po, gusto ko katulad din po kay Ate KZ na iba din po ang atake ko.”

Nang papiliin siya kung sino sa pagitan ng Eraserheads o KZ ang mas gusto niyang maka-duet, pinili pa rin ni Janine si KZ dahil si KZ daw ang tumulong sa kanya noong mga panahong down na down siya at sumuko na siya sa pagkanta. “Siya po yung nag-push sa akin, hindi man po niya ako kilala, parang yung sinasabi niya po sa X-Factor na gusto niyang iprove na hindi lang mga biritera ang nasa music industry. Parang napi-feel ko po na ako ang sinasabihan niya nun.”

Nang papiliin naman sa pagitan ni KZ o ng bandang IV of Spades, pinili muli ni Janine si KZ dahil daw pangarap niya talaga na maka-duet ang singer.