• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis on the success of ‘Sid and Aya (Not A Love Story)’: ‘Sobrang overwhelming ang reaction sa social media’

Anne Curtis on the success of ‘Sid and Aya (Not A Love Story)’: ‘Sobrang overwhelming ang reaction sa social media’

‘Sid and Aya (Not A Love Story)’ hits 100 million pesos in one week

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/9/2018 10:10 AM
Anne Curtis on the success of ‘Sid and Aya (Not A Love Story)’: ‘Sobrang overwhelming ang reaction sa social media’


 

Sa ulat ng TV Patrol, tumabo na ng 100 million pesos sa takilya ang Sid and Aya (Not A Love Story) sa loob lang ng isang linggo. At hindi pa diumano dito kasama ang international screening.

Ayon sa producer na si Neil Arce, tagumpay din ito ng direktor na si Irene Villamor dahil binase sa buhay niya ang istorya ng babae na naloko sa pag-ibig.

Ayon naman kay Anne Curtis na gumanap bilang Aya, reaksiyon sa social media ang isa mga nagpalipad ng pelikula. “Sobrang overwhelming ang reaction sa social media. Meron na nga ngayon they’re doing a field trip so lahat ng locations pinupuntahan nila tapos nagpipicture sila doon.”