Myrtle Sarrosa mas gusto magkaroon ng non-showbiz boyfriend

Inamin ni Myrtle Sarrosa na mayroon siyang dinedate na isang non-showbiz guy.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/8/2018 8:01 PM
Myrtle Sarrosa mas gusto magkaroon ng non-showbiz boyfriend


 

Super saya ni Myrtle Sarrosa sa renewal ng kanyang contract bilang celebrity endorser ng Sisters Sanitary Napkin. Third year na sa brand ang young actress, na napili di lang sa kanyang ganda ngunit pati na rin sa pagbibigay importansya niya sa edukasyon. 

Hindi naman naiwasang mapagusapan ang love life ni Myrtle at umamin naman ang dalaga na mayroon siyang dine-date ngayon. Manliligaw pa lang daw ito at sinabi niyang ayaw muna niyang ma-involve sa isang taga-showbiz din. Ex-boyfriend ni Myrtle ang anak ni Sen. Grace Poe na si Bryan Llamanzares at naghiwalay sila noong 2015. 

“Hindi naman sa na trauma but I think better if you’re with the person na yung hindi kilala, or it’s better if you’re with someone na hindi ganun kakilala na loud or high profile,” bungad ni Myrtle.  

Ayaw naman magbigay ng clue ni Myrtle sa katauhan ng kanyang manliligaw dahil very private person daw ito. 

Samantala, abala si Myrtle sa upcoming fantasy-comedy movie na Wander Bra kung saan gaganap siya bilang isang super hero. 

“Yung kuwento ng Wander Bra po, kuwento siya ni Barbara na tuwing sinusuot niya yung isang pink bra nagiging super hero siya. Nagiging ako siya so parang ang dating si Captain Barbel parang ganun,” kwento ni Myrtle. 

Paglilinaw din ng former Pinoy Big Brother teen housemate, ibang iba daw ito sa inaabangan na Darna movie na pagbibidahan naman ni Liza Soberano.

Makakasama din ni Myrtle da upcoming movie si Kakai Bautista at Ahron Villena. Target na maipalabas ang Wander Bra bago magtapos ang 2018.