• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona at Donny Pangilinan ibinahagi ang friendship na nabuo dahil sa pelikulang ‘Walwal’

Elmo Magalona at Donny Pangilinan ibinahagi ang friendship na nabuo dahil sa pelikulang ‘Walwal’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/8/2018 9:31 AM
Elmo Magalona at Donny Pangilinan ibinahagi ang friendship na nabuo dahil sa pelikulang ‘Walwal’


 

Fresh at bagong pagkakaibigan ang iniharap ng mga cast ng pelikulang Walwal ng Regal entertainment at Star Cinema.

Dalawa sa bida ng pelikula sina Elmo Magalona at Donny Pangilinan na ipinagmalaki na kilala ang isa’t isa at nagsusuportahan sa kanilang gawain.

“Nakikita n’yo naman po sa presscon na ito kung gaano kami ka-close at kung gaano ka-real ang friendship na ito,” sabi ni Donny.

Kuwento ni Elmo, kumportable na sa isa’t isa silang mga cast ng Walwal.

“Ganun kasi kapag kumportable ka na sa mga kaibigan mo wala ng mga tension na baka ma-offend ba ito o ano,” sabi naman ni Elmo.

Ayon pa kay Donny na mula sa kilalang showbiz clan, malakas ang suporta na kanyang nakukuha mula sa kanyang magulang.

“There are good things and bad things about being under the limelight but i think its more on good for me. My friends told me to stay positive, always look at the brighter side of things and I’m very blessed to have a family who supports me all the way,” sabi ni Donny.

Tulad ni Donny busog din daw sa pangaral si Elmo sa kanyang ona at mga kapatid na nakasuporta sa bawat proyekto na kanyang ginagawa.

Bukod kay Donny at Elmo, kasama rin sila Jerome Ponce at Kiko Estrada sa mga male cast members ng Walwal movie na mapapanuod ngayong June 27.