Donny Pangilinan, umaming may mga ‘walwal moments’ din

May pressure bang nararamdaman si Donny Pangilinan bilang miyembro ng showbiz royalty?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/8/2018 9:36 AM
Donny Pangilinan, umaming may mga ‘walwal moments’ din


 

Aminado si Donny Pangilinan, isa sa mga bida ng pelikulang Walwal ng Regal Films and Star Cinema, na meron din siyang maituturing na “walwal moments” na katulad ng ibang mga kabataan at co-stars niya sa pelikula.

“Ako, para sa akin, importante ding mag-enjoy sa buhay pero may limits. You always have to have a fine line and that’s something I think we do naman. We enjoyed but not to a point na nakakasira na sa amin,” pagbabahagi ng binata.

Bilang newbie sa showbiz industry, ano ba ang advice na ibinibigay sa kanya ng parents niya na sina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa?

“Well, they keep on telling me na never forget where you came from. Tapos keep remaining down to earth and keep your glory back to God always.

“I’m very thankful to my parents, even if they are my parents we’re completely different people. We have our own paths in life and we are catered to a different audience.

“We have talents and we’re different, so their biggest advice to me is being that different person and everything will follow,” paliwanag niya.

Sa interview namin sa nanay ni Donny ay inamin nitong ayaw sana niyang payagang mag-artista si Donny kaya lang hindi na raw niya ito napigilan.

Ano ba ang kayang i-sacrifice ni Donny para ma-achieve ang dreams niya?

“Everything. Honestly, I mean I don’t know, ano ba? I think your purpose is your dream, so whatever… yung parang every single person was made to do something, so I think you have to do whatever it takes to do that and to fulfill that dreams. So honestly, I will do whatever it takes to fulfill that,” katwiran niya.

Ginagampanan ni Donny ang character ni Bobby na isang aspiring filmmaker sa Walwal. Sino ang naging inspirasyon niya habang pino-portray ang kanyang role?

“Si Bobby, very different, but in a way similar din ako sa kanya in real life. Hindi naman ako filmmaker, hindi naman po ako director, but yung will niya to succeed and yung will niya to prove to those who don’t believe in him, sobrang nakaka-relate po ako sa kanya.

And Bobby is just the chill person, siya yung eye of the squad. Lahat ng mga nangyayari, lahat ng mga memories, I keep track on that because I have it in my camera. So being bad or good, nandon sa camera na yon.

“We were able to portray our characters in the best way kasi sobrang open ni Direk, parang kung anong gusto namin. He’s super lenient with us. If we want to change this aspect to be more natural, super lenient po si Direk so it also helped us a lot,” he said.

Nakakaramdam ba siya ng pressured na anak siya ng kilalang showbiz personalities?

“Hindi naman po mawawala yon. I think at the end of the day there’s going to be some pressure but it doesn’t really get to me because for me it’s a motivation, it keeps me inspired.

“Yung mga parents ko, sila po yung support system ko sa lahat ng mga problema ko, sa lahat ng mga bagay na kailangan ng tulong, they are there for me. So I see it as they’re being the motivation for me doing all of these. And it pushes me to do better po and to be the best that I can be. May konting pressure pero it’s a motivation,” sambit pa ng guwapong binata.

Samantala, bida rin sa Walwal sina Elmo Magalona, Kiko Estrada at Jerome Ponce. The film is under the direction of Jose Javier Reyes at showing na on June 27.