• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo sa kanyang mga beach photos ‘insecure ako sa katawan ko.”

Bea Alonzo sa kanyang mga beach photos ‘insecure ako sa katawan ko.”

Ayon kay Bea No Meat Diet siya for two years now

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/8/2018 10:26 AM
Bea Alonzo sa kanyang mga beach photos ‘insecure ako sa katawan ko.”


Photo credit: @beaalonzo on IG

 

Masayang ikinuwento ng kapamilya actress na si Bea Alonzo ang kanyang naging huling hirit sa tag-init sa Amanpulo bago muling sumabak sa trabaho. Kasama ni Bea ang malalapit na kaibigan at pamilya na nagdiwang noon ng isang special celebration.

 

Priceless ❤️ #btravels #amanpulo 🐝

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

“Sobrang enjoy kami. Tapos nag-celebrate ng 12th wedding anniversary yung stepdad ko and Mama ko so very special yun for the family. Medyo emotional nga at times pero very very special yun,” bungad ni Bea.

Kuwento ni Bea, hindi din daw niya intensyon na magpa-sexy sa kanyang mga post online na pinag-usapan ng netizens.

“Hindi naman yun ang intensyon ko pero thank you na din (Laughs). Hindi kasi gusto ko na din i-share to sa mga tao kasi I’m already 30 years old.

“Dati nahihiya ako sa itsura ko, insecure ako sa katawan ko. When I turned 30 doon ko na realize na ‘okay lang naman pala’ mas naging kumportable ako sa katawan ko, mas naging kumportable ako sa sarili ko,” dagdag ni Bea.

Paliwanag pa ng aktres, paraan niya ito para maging inspirasyon sa ibang kababaihan na alagaan pa din ang kanilang mga sarili.

“Gusto ko, kung may mai-inspire man ako sana mangyari yun because I want to inspire people going through the same like me na maging okay lang sila sa sarili nila and be confident in who you are and what you are.”

Kuwento pa ni Bea, isa din daw sa kanyang beauty secrets ang healthy at balanced diet na kanyang ginagawa two years ago pa.

“Nage-exercise talaga ako, wala talagang shortcut pagdating sa weight loss, so nag-exercise talaga ako and I try to eat right. Hindi ako nag-meat na for almost two years na and yun siguro living a balance life,” ani pa ni Bea

Bukod sa balance diet, nagbigay update din si Bea sa lagay ng kanyang puso na naiintriga ngayon.

“Okay naman ako, okay naman sa lahat naman ng aspeto ng buhay ko. Parang everything falls into place so masaya ako sa parte na yan.”