Sales Clerk, trending sa pagtulong sa isang bulag

Sales Clerk na tumulong sa bulag, pangarap maging guro.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/7/2018 9:34 AM
Sales Clerk, trending sa pagtulong sa isang bulag


Screenshot from TV Patrol video

 

Sa ulat ng TV Patrol, trending ang isang sales clerk sa isang supermarket dahil sa walang pag-aalinlangang pagtulong nito sa isang bulag. Inakay at inalalayan ni Ricks Tusara ang bulag na customer papunta ng MRT station at nakunan ito ng isang netizen. Ayon kay Ricks, “kasi nakita ko po yung tao po na yun in a hurry po talaga. As well as may dala pa siyang gatas para sa anak niya... hindi na po ako nag-alinlangan na tulungan siya papunta sa terminal.” 

Ayon naman sa massage therapist na si Dickie Arandia na tinulungan ni Ricks, malaking tulong sa kanya ang mga taong katulad ni Ricks. “Napapabilis yung pagpunta ko sa terminal, nakakasakay po agad ako... Iniisip ko po na ito yung blessing sa akin ni Lord na tao para tumulong sa akin ngayong araw na ‘to.”

Apat na buwan pa lang sa trabaho si Ricks pero marami na ang napabilib niya. Pangarap niya ang maging teacher kaya laking tuwa niya nang malamang pumasa siya sa Licensure Examination for Teachers (LET).

“Grabe po ang blessing na natanggap ko nung tumulong po ako. Pumasa po ako sa LET without any review center.” Bilin ni Ricks, “Do not hesitate to help. Ang pagtulong walang pinipili, mahirap ka man o mayaman.”