LOOK: Bea Alonzo cuts her hair short for new movie

Aminado is Bea na starstruck pa din siya ngayon kay Aga Muhlach.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/7/2018 12:26 PM
LOOK: Bea Alonzo cuts her hair short for new movie


Photo credit: @beaalonzo on IG

 

Biyaheng Vancouver, Canada ngayong araw, June 7, ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo para shooting ng kanyang panibagong pelikula sa Star Cinema kung saan makakasama niya si Aga Muhlach.

Kuwento ni Bea, excited siya dahil first time niyang makakatrabaho ang premiere actor.

“Ibang istorya naman siya, para sa ‘kin ang fresh ng tandem namin ni Kuya Aga (Muhlach),” bungad ni Bea.  

Tipid man sa pagbibigay detalye, looking forward daw Bea sa magiging takbo ng kuwento sa tulong ng kanilang direktor na si Paul Soriano.

“Ang hirap niya i-categorize as of the moment, hindi naman siya melodramatic, but I guess medyo may pagka-light drama. Pero sa feeling ko based as script it’s a light drama. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ni Direk Paul para maging iba, which is exciting for me,” sabi pa ng aktres.

Ayon pa kay Bea, nagkaroon na sila ng kaunting bonding ni Aga bago pa simulan ang shooting.

“Yes, nag-script reading kami, talagang binasa namin ang buong script at nagbatuhan kami ng lines together with the other cast, so kailangan ready kami bago kami sumabak sa Vancouver.”

Aniya, hanggang sa ngayon ay na-starstruck pa din daw siya sa husay ng kanyang bagong leading man.

“Sobrang impressive the way he works, I mean talagang malalim siya mag isip. Yung interpretation niya sa isang eksena hindi ko naiisip yun sobrang alam ko na marami akong marutunan sa kanya,” sambit pa ni Bea.

Isa din daw sa sorpresa ng character ni Bea ang kanyang new hair do na pinasadya talaga niya para sa kanyang upcoming role.

 

“Yes ginawa ko to, para sa role. Kasi I want to be different, I want her (character)  to be charming and alam niyo naman ako pagdating sa haircut, gagawin ko yun for the character,” pahayag ni Bea.

Tatagal ng three weeks sa Canada si Bea para sa shooting ng pelikula.