• Home
  • Fresh Scoops
  • KZ Tandingan, nag-react sa pagkukumpara sa kanila ni Janine Berdin

KZ Tandingan, nag-react sa pagkukumpara sa kanila ni Janine Berdin

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/7/2018 11:01 AM
KZ Tandingan, nag-react sa pagkukumpara sa kanila ni Janine Berdin


 

Nagbigay ng patikim si KZ Tandingan ng kanyang signature vocals sa entertainment media. Ito ay para sa nalalapit niyang solo concert na Supreme na magso-showcase ng kanyang talento.

Dito nagbigay reaksyon din si KZ sa pagkukumpara sa kanila ng bagong Tawag Ng Tanghalan Grand Champion na si Janine Berdin dahil sa hindi nalalayo na tinig at istilo nila sa performance.

“Siyempre happy ako kasi ang galing galing nung bata pero we are different artists at kaya nakikita ako ng ibang tao sa kanya, ayun nga sabi ko we fall in the same category na iba kami sa normal na napapanood ng mga tao,” paliwanag ni KZ.

Special guest ni KZ sa kanyang upcoming concert ang boyfriend na si TJ Monterde. Pagbibiro ni KZ siya ang nangulit para pumayag si TJ.

“Sabi ko sige na naman. Yung ibang shows ko di ka pumayag. Ito milestone ito sa career ko and it would be my honor if you allow me to sing with you onstage. Tapos ayun na convince ko siya.”

At kung sakali naman daw na may maganap na proposal mula kay TJ sa gabi ng kanyang concert, ito ang sagot ni KZ.

“Bakit mo naman hihindian? Andami pa iniisip. Anu ba yun (Laughs)?” masayang pahayag ni KZ.

Marami daw dapat ang aasahan sa major concert ni KZ at wala daw siyang madaling kakantahin.

“Meron po akong medyo… kasi I’m in love with jazz music. Parang meron kami kakantahin na kanta na ija-jazzify namin. Parang ito yata ang pinaka ahirap ko gagawin jazz arrangement. Naku kailangan ninyo abangan.”

Magaganap ang Supreme: KZ Tandingan Concert sa June 22 sa Mall of Asia Arena.