• Home
  • Fresh Scoops
  • KZ explains “maghanap ka na lang ng iba” joke to Edward Barber

KZ explains “maghanap ka na lang ng iba” joke to Edward Barber

BY LANCE PAOLO LIM

FRESH SCOOPS

6/7/2018 3:00 PM
KZ explains “maghanap ka na lang ng iba” joke to Edward Barber


Photo credit: @edward_barber on IG (R)

 

Following the controversy brought by the joke that she uttered when she dropped by ASAP’s online show Chillout last Sunday, KZ took the chance to put an end to the issue once and for all during the presscon for her upcoming concert at the Mall of Asia Arena.  

Actually every time pumupunta ako sa ASAP Chillout, kalokohan ko talaga sina Maymay at lalong lalo na si Kisses. Si Kisses talaga palagi naming inaalaska. ‘Yung time na ‘yun kakanta na dapat ako ng “Nagiisa Na Naman” tas nakatayo na ako, niloko ako ni Maymay. ‘Ate KZ, tayo ka na’ ay nako masama ugali nito sabi ko kay Edward, ganyan,” she said.

Kasi niloloko niya ako na tumayo na ako eh nakatayo na ako. Kasi nga ‘di ba maliit ako? So parang walang kaibahan ‘yung nakatayo na ako tapos sabi niya ‘ay joke lang, joke lang’. Sabi ko ‘Ay nako Edward maghanap ka na lang ng iba’. Meron kasing iba na sumasawsaw lang dun sa issue na hindi naman nila pinanuod ‘yung unang video,” she added.

KZ also revealed that such jokes are just common especially for the both of them who cited their Bisaya roots for delivering such humor.

So nung naglalabasan na ‘yung issue, nagtitweetan na kami ni Maymay. Sabi ni Maymay ‘Ay nako ate natawa na nga lang din ako kasi ’di nila nagegets ‘yung vibes ng mga bisaya ganyan, ganyan,” she stated.  

The “Labo” singer further explained that the specific moment deemed offensive by some MayWard fans did not justify the entirety of the video. 

Kasi kung papanuorin mo talaga ‘yung whole video, asaran lang talaga kami hanggang sa matapos asaran lang talaga kami. Lalo na nung pa-ending na, nung nasa harap nila ako lahat. Ako ‘yung pinakamatanda pero ako pinakamaliit,” 

Meanwhile, KZ praised the two teen celebrities for being kind despite having achieved so many things in their careers. 

Ang bait bait ng dalawang batang ‘yun. Nung nag-Singapore din kami kasi kasama din namin sila, so kami ‘yung magkakakausap, ang bait bait ng dalawang ‘yun. Meron kasing ibang tao na sinasakyan ‘yung mga ganung issue. Porke nag-joke lang ng ganun kay Maymay, akala nila ganun talaga si Maymay. Guys ‘wag niyo sila paniwalaan,” she said.

Maymay is one of the nicest in this industry. Kung paano niyo siya nakita nung nagsisimula pa lang siya, ‘pag nameet niyo siya  ngayon ganun pa rin siya. Sobrang nakakatuwa ‘yung batang ‘yun. Sobrang nakakatuwa silang dalawa,” the Soul Supreme concluded.