• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maricel Laxa Pangilinan, ginawa daw ang lahat para maiwasan ang pagpasok ang anak sa showbiz

EXCLUSIVE: Maricel Laxa Pangilinan, ginawa daw ang lahat para maiwasan ang pagpasok ang anak sa showbiz

Very proud si Maricel Laxa Pangilinan sa first movie ng anak na si Donny Pangilinan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/7/2018 11:07 AM
EXCLUSIVE: Maricel Laxa Pangilinan, ginawa daw ang lahat para maiwasan ang pagpasok ang anak sa showbiz


 

Sinamahan ni Maricel Laxa Pangilinan ang anak na si Donny sa grand presscon ng pelikulang Walwal ng Regal Films. Nasa isang sulok lang ang award-winning actress habang pinagmamasdan ang anak na iniinterbyu ng entertainment press.

Kitang-kita sa mata ni Maricel kung gaano siya kasaya at ka-proud sa panganay na anak dahil may movie ito. Isa si Donnie, together with Elmo Magalona, Kiko Estrada, at Jerome Ponce sa mga bida sa Walwal na idinirek naman ni Jose Javier Reyes.

“Paano ka namang hindi magiging proud di ba, you’re in your home, this is Regal Films and this is my home. This is my most loved director – Direk Joey, and then yung dream come true ni Donny na magka-movie ay nangyari, so I’m very proud. Hindi mo naman maipagkakaila na when you see your child happy, you are the happiest,” pahayag ni Maricel sa interbyu ng PUSH.

Kailan mo nalaman na interesadong umarte si Donny?

“I think, yung interest ni Donny sa acting started when he was in high school. Kasi, to begin with, siya ay very shy child nung lumalaki. And hindi ko naman in-expose sa showbiz yung mga anak ko. Hindi sila exposed sa showbiz world.

“So nagulat ako nung sinabi niyang gusto niyang mag-showbiz. Pero hindi ko na yon mapipigilan kasi ginawa ko na talaga lahat para maiwasan niya yon,” naiiling pero natatawang kuwento sa amin ni Maricel.

“Hindi ko talaga siya pinakilala kahit kanino. I did not move any of my connections, wala akong kinausap. Pero nahanap talaga siya ni Tita Monch (Novales, ng Star Magic) niya sa isang sulok ng party.

“So, kinuwento ni Monch kay Ms. Mariole (Alberto) at saka kay Mr. M (Johnny Manahan). at hindi na talaga namin napigilan. It was really bound to happen. Pero ipinagpapasalamat ko lang sa Star Magic is pinatapos nila si Donny ng high school,” dagdag pa niya.

Kumusta naman si Donny kapag nasa bahay siya?

“Pag sa bahay ang gusto lang niya makipaglaro sa mga kapatid niya. Gusto niyang kumain, matulog. He’s just a regular guy when he’s home.

“He can be himself, walang kailangang mag-picture or manghingi ng video greeting or something. He’s the same person na umalis at babalik lang dahil he’s home.

“And what I love about Donny is kapag nasa bahay siya he does the regular things everybody does. If he has to do chores, help a sibling for a project or have a date with another sibling, I mean, he really is just a regular guy and that’s how I want to raise my kids dahil ganun din ako pinalaki ng mommy ko,” pagmamalaki ng magaling na aktres sa kanyang anak.

Kahit baguhan pa lang ay kinakitaan na ng potential sa acting si Donny dahil sa pagiging very smart nito. Sa kanya ba ito namana ng binata?

“Well, studies show that intillegence is really from the mother,” pabiro at natatawa niyang pahayag.

“Pero you know, I have to say, I’ve been really blessed to have a husband like Anthony and I cannot take full credit kasi sabay namin pinalaki lahat ng mga anak namin,” dagdag pa niya.