• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jerome Ponce, marami daw natutunan sa kanyang ‘Walwal’ co-stars

EXCLUSIVE: Jerome Ponce, marami daw natutunan sa kanyang ‘Walwal’ co-stars

Kahit na iba ang estado daw nila sa buhay, naging malapit na kaibigan sina Jerome Ponce at ang kanyang co-stars.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/7/2018 11:11 AM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce, marami daw natutunan sa kanyang ‘Walwal’ co-stars


 

Hindi kaagad umalis si Jerome Ponce pagkatapos ng grand presscon ng pelikulang Walwal kung saan ginagampanan niya ang role ni Inton kaya nakausap pa siya ng PUSH. Ipinagmalaki ng binata na dahil sa pelikula ng Regal Films na ire-release ng Star Cinema ay nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan.

Ani Jerome, “Sobrang laki ng pasasalamat ko na nagkaroon ako ng bagong set of friends.”

Sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, at Kiko Estrada ang tinutukoy ni Jerome na mga bago niyang kaibigan.

“Puro mga high class yung buhay nila. Ako, simple lang, pero nagkakaintindihan kaming lahat. Hindi ko nararamdaman na parang… kahit pa mayayaman sila,” sambit pa ng aktor.

May mga natutunan din daw siya sa co-actors niya sa Walwal na ipinagpapasalamat din niya nang malaki.

“Marami akong natutunan sa kanila, the way makipag-usap, the way sa buhay kasi kapag magkasama kami, we talk about life, yung goals namin, ganun.

“Hindi ko inisip na baka nagsho-showbizan lang kami o nagpapataasan lang kami.

“Si Kiko, Ejercito siya, siyempre, sa GMA, kilalang actor din siya. Si Donny, sobrang open niya sa maraming bagay, even with Elmo,” sambit niya.

Patuloy pa niya, “Yung natutunan ko, iba siya. Hindi bad, puro good ang nakita ko. Katulad ni Donny, kahit sobrang ganda ng buhay nila, Tagalog siya (magsalita) at marunong makisama, hindi siya maarte, go with the flow.

“Si Kiko, nagshe-share siya amin. Si Elmo, kahit Magalona siya, hindi mo mararamdaman na royal siya, it’s just iyon siya.”

Samantala, nag-birthday si Jerome noong June 4 at kasama niyang nag-celebrate ang kanyang pamilya.

Ano ba ang birthday wish niya?

“Wala naman akong wish except maging okay pa rin ang career ko, yon lang naman,” matipid niyang sagot.

Ang Walwal ay ipapalabas sa mga sinehan on June 27.