• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Ilacad on Nash Aguas: ‘We grew up and we grew apart’

Alexa Ilacad on Nash Aguas: ‘We grew up and we grew apart’

Alexa Ilacad, umamin na hindi na sila magkaibigan ni Nash Aguas.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/7/2018 9:49 AM
Alexa Ilacad on Nash Aguas: ‘We grew up and we grew apart’


Photo credit: @zackwey (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagsalita na si Alexa Ilacad tungkol sa estado ng pagkakaibigan nila ng dating ka-love team na si Nash Aguas. “We grew up and we grew apart.” Paliwanag niya, “but we’re okay. We’re civil.”

Ganunpaman, hindi daw niya ito matatawag na friendship. “I wouldn’t call it being friends po. Kasi para po sa akin, Tito Boy, a friend is someone na you have a bond with and you share a special affection with or someone you call in the middle of the night when you’re not okay and we’re not there.”

Positibo din siya na magiging maayos din ang lahat sa pagitan nila ni Nash. “Hindi naman po ako yung tipo ng tao na nagho-hold ng grudges.”

Nang tanungin kung minahal niya si Nash, inamin ni Alexa na, “yes.” Sinabi din niya na open siya na maging magkaibigan muli sila, “of course, Tito Boy. I’m so open. Let’s say in the future and we’re both okay and we’re ready to start again, I’m good.” 

Nang tanungin kung nagkaroon sila ng chance na mapag-usapan ang lahat, ani Alexa ay, “I don’t it needs to happen anymore Tito Boy.”

Nang hingan naman siya ng isang salita para idescribe ang pagsasama nila ni Nash. “I’d call it magical. He still holds some of the best memories of my life.”

Sinabi din ni Alexa na hindi siya ngayon nagde-date. “There are some asking but I’m not ready. Maybe I haven’t met the right guy, which is why I’m not ready yet.”