• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin on the blessings she receives in her showbiz career: “I’ve been waiting for this”

Kisses Delavin on the blessings she receives in her showbiz career: “I’ve been waiting for this”

Malaki ang pasasalamat ni Kisses sa kanyang mga supporters na walang sawa ang suporta sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/6/2018 5:58 PM
Kisses Delavin on the blessings she receives in her showbiz career: “I’ve been waiting for this”


Photo credit: @kissesdelavin on IG

 

Aminado ang Kapamilya Star na si Kisses Delavin na hindi pa rin siya makapaniwala sa mga blessings na kanyang natatanggap ngayon.

Isa si Kisses sa mga bibida sa upcoming movie ng Regal Entertainment na ‘Walwal’ kung saan makakasama niya ang kapwa millennial stars.

 

“I feel thankful kay God kasi he hears what I wish for, parang pinakikinggan niya ang wishes mo kahit mahina lang ang boses mo, kahit hindi mo nga minsan sabihin ‘yung wishes mo gina-grant niya,” aniya.

Kuwento pa ni Kisses, matagal niyang inaantay dumating ang pagkakataong ito – ang pagbuhos ng kanyang mga proyekto.

Matapos ang naging season ng Pinoy Big Brother noong 2016 kung saan siya nagwagi bilang second big placer, sunud-sunod na ang naging proyekto ni Kisses tulad ng TV commercial, magazine covers, recording singles, at sold out concert na kanyang ipinagpapasalmat sa kanyang mga supporters.

“I’m so thankful kasi I’ve been waiting for this all my life. Now it’s here and especially sa mga supporters ko na always there for me,” sabi ni Kisses.

Sunud-sunod man daw ang kanyang commitments ngayon, thankful si Kisses na nangyayari na lahat ng kanyang mga ipinagdadasal na pangarap noon.

“Yeah, recently lang na iniisip ko nga eh, pinangarap ko talaga (showbiz). Sometimes kasi pag nandiyan na talaga, doon mo lang masasabi na inisiip ko lang siya dati, pero everything is conspired para mangyari,” pahayag niya. 

Sa ngayon, looking forward si Kisses at iba pang cast ng ‘Walwal’ para sa nalalapit na premiere night ng pelikula ngayong June 27, mula sa direksyon ni Joey Reyes.