Jayda Avanzado on Darren Espanto: ‘He does inspire me’

Jayda Avanzado, napiling front act sa concert ni Niall Horan

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/6/2018 9:09 AM
Jayda Avanzado on Darren Espanto: ‘He does inspire me’


Photo credit: @darrenespanto (L) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, kinuwento ni Jayda Avanzado kung ano ang naging reaksiyon niya nang malaman niyang siya ang napili bilang front act para sa concert ni former One Direction member Niall Horan. “Nagsisigaw po talaga ako, kinilig ako ng bonggang-bongga. I’m such a big fan of his. Ever since nung sa One Direction pa siya, he was my favorite po talaga.”

Inamin din niya na nagpakulay siya ng pink ng buhok bago siya noon manuod ng concert ng One Direction dahil diumano, “I also just like the fact na I wanted to try something new but in a way po na parang at that time po na hey maybe I might get noticed.”

Pagdating naman sa singer na si Darren Espanto, aminado si Jayda na hinahangaan niya ito. “He does inspire me because he’s really talented and he’s someone that I think that you know sky is the limit for him.” 

Nilinaw din ni Jayda na hindi romantic ang paghanga niya kay Darren. “I think masyado po kaming bata para isipin yung mga ganun.” 

Alam din daw niya na “sini-ship” sila ng fans para maging love tandem pero, “It’s something that he and I discussed and something that we kind of laughed... It’s something funny po seeing all the stuff online. It doesn’t really affect the friendship. It’s just something na I understood na ganun po talaga pag papasok sa showbiz. People ship people together.”