• Home
  • Fresh Scoops
  • Fil-Am artist na may kakaibang style, kasama sa paggawa ng music video ni Christina Aguilera

Fil-Am artist na may kakaibang style, kasama sa paggawa ng music video ni Christina Aguilera

Fil-Am artist, kasama sa paggawa ng music video ni Christina Aguilera.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/6/2018 8:57 AM
Fil-Am artist na may kakaibang style, kasama sa paggawa ng music video ni Christina Aguilera


Photo credit: @xtin (R) on IG

 

Sa ulat ng TV Patrol, si Fil-Am artist Miko Revereza ang isa sa mga gumawa ng music video ni Christina Aguillera na “Accelerate.” Featured ang video clips ni Miko, na kinunan niya gamit ang lumang VHS, sa music video ng pop superstar.

Aniya kung paano niya nakuha ang project, “I worked for the producer a few years ago for a fashion shoot. This job came about and she thought of me.”

Kwento ni Miko, camera na pang VHS lang ang nakayanan niyang bilhin noong una siyang nahilig sa film making. At ang kakaibang istilo din niya ang naging dahilan kung bakit siya napasama sa project.

Dagdag pa niya, “They kind of just let me do whatever I wanted to do and just be as creative and experimental with the process as I wanted.”