• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Patricia Javier, umamin na hindi naging madali manirahan ulit sa Pilipinas

EXCLUSIVE: Patricia Javier, umamin na hindi naging madali manirahan ulit sa Pilipinas

Ikinuwento ni Patricia Javier kung ano ang naging challenges sa pagtira nila ng kanyang pamilya sa bansa.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/6/2018 9:18 AM
EXCLUSIVE: Patricia Javier, umamin na hindi naging madali manirahan ulit sa Pilipinas


Photo credit: @patriciajavier1 on IG

 

Tatlong taon nang nanirahan sa Pilipinas ang pamilya ni Patricia Javier mula nung magdesisyon silang iwanan ang buhay sa Amerika. Ayon sa dating sexy star, okay na ang buhay nila ngayon kahit pa dumaan sa ilang adjustment.

“Naka-adjust na kami totally, and then we’re very happy because we have two clinics now. Yung husband ko may branch na sa Makati bukod sa Quezon City.”

Ang tinutukoy na clinic ni Patricia ay ang Chiropractic Clinic na itinayo ng asawa niyang si Dr. Rob Walcher.

Patuloy ni Patricia, “We’re very happy sa response ng mga tao kasi maraming natutulungan ang asawa ko to feel better. Ako naman, kahit papaano nagkakaroon ng mga project.

“Financially, I can say na we’re good. Ang mga kids ko they’re in good school, yon naman ang pinakaimportante sa akin, yung mga kids ko.”

Aminado ang aktres na hindi talaga madali ang mga unang buwan ng paninirahan nila sa Pilipinas.

“I can say na nung first year namin dito, struggling talaga yon for us. Kasi, unang-una, hindi namin alam kung saan titira – kung titira ba kami sa South o sa North o titira ba kami sa Antipolo.

“Tapos siyempre, yung savings namin… siyempre, wala namang pumapasok pa nung time na yon. Yung savings namin puro palabas, yon lang ang ginagastos namin. Tapos ang hirap din nung wala kang stable job. Parang okay, after nito may darating ba ulit show?

“Kasi sa tingin ko bilang artista, hindi lang kailangan na artista ka lang, kailangan may fallback lagi. Kung aabangan mo lang yung mga tapings, syuting, walang mangyayari. Nganga, di ba?

“Pero sabi nga di ba, basta huwag ka lang titigil with the things that you love to do in life kasi kanya-kanyang oras lang naman yan.

“So, yon na yung nangyari sa amim, nung ginagawa namin yung wellness and beauty mission, kaming dalawa ng asawa ko, and because of that marami ng blessings ang dumating,” kuwento pa niya.

Maraming mga artisa ang nagpupunta sa clinic nina Patricia pero mga paying costumers daw silang lahat.

“We give good discounts naman kasi nagpo-post sila, pero mga paying costumers sila. Kasi yung sa clinic namin, we don’t have machines. My husband is the machine. So, I need to take care of my husband.

“Kumbaga, hindi madali yung ginagawa ng asawa ko. So, there’s a value na kailangang bayaran, na what if tomorrow magkasakit ang asawa ko? Kaya hindi puwedeng lahat libre, di ba? So, we see to it talaga na we give a good discount sa mga showbiz personalities, senior citizen at sa mga tao na they really love to try ng chiropractic,” paliwanag ni Patricia sa PUSH.