• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Lauren Dyogi, inaming pinalagpas na maging PBB housemate si Maine Mendoza at Nadine Lustre

Direk Lauren Dyogi, inaming pinalagpas na maging PBB housemate si Maine Mendoza at Nadine Lustre

Isa pa daw sa pinanghihinayangan ni Direk Lauren ay ang di rin pagpasa ni Nadine Lustre bilang PBB housemate noong 2010.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/6/2018 9:25 PM
Direk Lauren Dyogi, inaming pinalagpas na maging PBB housemate si Maine Mendoza at Nadine Lustre


Photo credits: @nadine IG (left), @mainedcm IG (right)

 

Sa kanyang pinakaunang Vlog post, maraming pasabog ang direktor and ABS-CBN Head of Entertainment na si Lauren Dyogi. 

Dahil sa ginaganap na Star Hunt ngayon ng Kapamilya network, na-ikwento tuloy ng direktor ang panghihinayang sa di pagkuha sa viral sensation at ngayo’y aktres na si Maine Mendoza. I-shinare din ni Direk Lauren ang clip ng audition ni Maine para sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015, kung saan sinabi nito na may Dubsmash videos siya. Si Miho Nishida at Jimboy Martin ang mga nanalo sa edisyong iyon. 

Kasama din daw na regret ni Direk Lauren ang di pagpili kay Nadine Lustre bilang housemate para sa edition na PBB Teen Clash of 2010, kung saan ang ka-love team ngayon ni Nadine na si James Reid ang naging Big Winner. 

“Marami akong misses in the past, na di ko napansin pero sikat na sila ngayon,” pag-amin ni Direk Lauren. Sinabi din nito na baka di talaga siya ang naka tadhana magpasikat sa mga artista na ito. 

“Iba-iba naman ang paraan ng pagdidiscover ng stars – may stars diyan na may kamag-anak na sa industriya, kaya natutulungan na sila, meron din mga artista ngayon na nailapit sa amin dahil may mga managers na sila. Pero sa karamihan sa mga bituin sa show business ay dahil sa ating mga programang ginawa at natulungan an gating Kapamilya para maging bituin. Hopefully with Star Hunt, this will be the journey to finding that next big star,” ani pa ni Direk Lauren. 

Watch Direk Lauren’s full video below: