• Home
  • Fresh Scoops
  • Zaijan Jaranilla, pinangalanan ang babae na kalaro niya sa video games

Zaijan Jaranilla, pinangalanan ang babae na kalaro niya sa video games

Zaijan Jaranilla, naranasan na daw masaktan at mag-move on

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/5/2018 9:22 AM
Zaijan Jaranilla, pinangalanan ang babae na kalaro niya sa video games


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Zaijan Jaranilla tungkol sa isang babae na nakilala niya sa Instagram. Ayon kay Zaijan, ang pangalan ng girl ay Geli. Mula daw nun ay naging magkalaro na rin sila sa mga video games. “Nagkausap lang kami sa IG nun... tapos mahilig din pala siya sa games. First po, naglaro muna kami ng Rules of Survival.” 

Pinaliwanag ni Zaijan na ang ROS ay isang shooting game. Hindi din girlfriend ni Zaijan si Geli dahil ayon sa kanya, “hindi pa kami nagmeet sa personal, Tito Boy.” 

Dineny din niya na naging sila ni Alyana Angeles. “Hindi po. Sobrang bata po kasi ni Alyana, tawag pa nga nun sa akin Kuya. Parang magkapatid lang talaga kami. Hindi na po kami nakakapag-usap ni Alyana e.”

Habang sinasagot ang mga sagot sa segment na Fast Talk, inamin din ni Zaijan na ang pinakamatapang niyang nagawa ay “mag-move on.” Inamin ni Zaijan na nasaktan na siya dahil sa na-in love na siya “once.”

Nang papiliin sa pagitan ni Alyana at Geli, pinili naman ni Zaijan si “Geli.”