• Home
  • Fresh Scoops
  • Zaijan Jaranilla: ‘Lumaki po ako na hindi ko kasama ang Mama ko’

Zaijan Jaranilla: ‘Lumaki po ako na hindi ko kasama ang Mama ko’

Zaijan Jaranilla, ginawang inspirasyon ang pagiging hiwalay ng mga magulang niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/5/2018 9:26 AM
Zaijan Jaranilla: ‘Lumaki po ako na hindi ko kasama ang Mama ko’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Bagani star Zaijan Jaranilla kung paano siya naapektuhan sa paghiwalay ang kanyang mga magulang. “Sa totoo Tito Boy, ginawa ko po siyang inspirasyon. Natutunan ko po to kay Tita Dimples (Romana), mga pinagdadaanan wag mong sarilinin. Ibigay mo yan sa trabaho, para mas maging mabuti ka pa.” Lumaki si Zaijian sa piling ng ama at ng lolo niya.

Inamin din niya na dahil sa family situation niya ay gusto niya balang araw magkaroon ng pamilyang buo. “Lumaki po ako na hindi ko kasama ang Mama ko. Wala kaming family pictures ganyan, parang hindi ko naman gusto sa mga anak ko na paglaki nila wala silang makitang mga family pictures.”