• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao ibinahagi ang pinagdaanan dahil sa naging ‘problema’ sa kanyang mukha

Shaina Magdayao ibinahagi ang pinagdaanan dahil sa naging ‘problema’ sa kanyang mukha

Bumuti na ang kalagayan ni Shaina Magdayao sa kanyang huling update sa Instagram.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/5/2018 3:05 PM
Shaina Magdayao ibinahagi ang pinagdaanan dahil sa naging ‘problema’ sa kanyang mukha


Photo credit: @shaina_magdayao on IG

 

On the road to recovery na ngayon ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao matapos ang kanyang pinagdaanan na matinding stress sa kanyang mukha.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Shaina ang na experience na karamdamdaman na dulot umano ng paghina ng kanyang immune system at pumutok ang ilang ugat sa kanyang mukha.


Ayon pa kay Shaina, ito din daw ang dahilan ng kanyang pansamantalang pagliban sa pag-update sa kanyang social media account.

 

 

Ganun pa man, tuloy-tuloy pa din daw sa kanyang commitment si Shaina sa daily afternoon telerserye na Asintado, kung saan gumaganap siya bilang si Samantha Del Mundo.

Sa huling update ni Shaina sa kanyang IG story, ibinahagi nito na mas okay na siya kumapara noong mga nakaraang araw.

 

Palabas na ang pelikula ni Shaina na Ang Panahon ng Halimaw kung saan kasama niya si Piolo Pascual. Dinirek ito ni Lav Diaz at recently nanalo ito ng Best Picture sa Basel Film Festival sa Switzerland.